Nagluluksa ang movie industry sa biglang pagpanaw ni Wenn V. Deramas due to cardiac arrest last early Monday morning at Capitol Medical Center. Nasa Arlington Memorial Chapels ang wake ng batikang director at kapatid nitong si Wawa.
Marami ang na-shock nang maglabasan sa social media ang pagkamatay ng box-office director. Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari, dahil masaya itong nagsimba last Sunday kasama ang dalawa niyang anak na sina Gabby (15 years old) at Raffy (5 years old), at mga matalik na kaibigan na sina Atak, Alvin, at Brix (personal PA ni Direk Wenn) plus the yaya.
After ng church, nag-Trinoma pa ang grupo para kumain, ipasyal ang mga bata, nang tumawag ang sister ni Direk Wenn para sabihinG nagsisikap ang dibdib niya. Sabi niya sa kapatid, magpasama itong pumunta sa hospital, kuwento ni Alvin Gabito, kababata at bestfriend ni Direk Wenn Deramas.
Masaya pa nga raw silang nagbibiruin nina Direk Wenn, walang senyales na mamamatay siya, ayon pa kay Alvin. Hindi na sila pinasama ni Atak sa hospital dahil kasama naman nito si Brix, Mr. Trueman at dalawang bata. Pinauwi na sila ni Direk Wenn, i-update na lang daw sila nito.
Nang dumating sina Direk Wenn sa hospital, diretso agad sila sa emergency room, idineklarang dead on arrival ang kapatid. Nakita niyang wala nang buhay ito, hindi nito natagalan ang sitwasyon. Lumabas si Direk Wenn sa ER at naupo. Biglang tumirik ang mga mata ni Wenn, inatake na pala sa puso around 2:45 am. Almost 4 hours nasa ER si Direk, sinusubukan ng mga doctors na i-revive ito hanggang may lumabas na dugo sa ilong nito, patay na nga si Wenn V. Deramas.
Agad-agad nagpunta sa hospital sina Vice Ganda, Cory Vidanes, at June Rufino nang malaman nilang patay na si Direk Wenn. Hindi matanggap ng comedian na wala na ang matalik niyang kaibigan. Feeling ni Vice, parang isang masamang panaginip ang nangyari. Hindi nito ma-explain kung ano ang pakiramdam niya nang mga sandaling ‘yung nang makita niya si Wenn na nakahiga sa ER.
Year 2013, na-mild stroke si Wenn, pansamantala siyang tumigil sa pagtratrabaho. Nang maka-recover na uli ito, balik pagdi-direk na naman ang comedy director. Tinapos ang mga commitment niya sa Kapamilya network, Star Cinema, at Viva Films. He underwent angioplasty last December 2015 habang ginagawa niya ang “Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin for MMFF 2015. Ang nasabing comedy film ang pinakamalaking kinita (almost 600 million) sa history ng pelikulang Pilipino.
SA UNANG gabi ng lamay ni Wenn V. Deramas sa Arlington Memorial Chapels, dinatnan namin sina Madam Charo Santos, Malou Santos, Cory Vidanes, Mel del Rosario, June Rufino, Olivia Lamasan, Deo Endrinal, at Roxy Liquigan. Punong abala naman sina Tita June, Cathy Despa, Atak, Candy Pangilinan, Eagle, at Brix sa nag-aasikaso ng mga bisita.
Nakatsikahan rin namin ang cameraman ni Direk Wenn na si Elmer. Kuwento niya, masaya pa silang nag-taping ng isang experimental show ng ABS-CBN na tatapusin nila for 5 days. May sisimulan din silang teleserye ni Direk plus 2 movies sa Viva Films. Launching film ni Alfonso Muhlach at movie ni Vice Ganda.
Umiiyak nang dumating si Claudine Barretto sa wake ni Direk Wenn, deadma lang ang grupo nina Madam Charo sa isang corner ng chapel nang makita nila ang controversial actress. Sinalubong agad ni Candy ito para samahang masilip si Direk Wenn sa huling sandali. Hindi nito natagalang titigan ang paborito niyang director. “Hindi ko kaya…,” say ni Clau kay Candy. Mabilis itong lumabas ng chapel na iyak nang iyak. May naka-line-up pa naman silang movie together under Viva Films.
Maging si Maricel Soriano, namamaga ang mga mata nang dumating sa burial ni Direk Wenn. Palibhasa matalik na magkaibigan ang dalawa kaya mabigat sa loob niya sa pagpanaw ng kanyang kaibigang director. Si Direk Wenn ang nag-direk ng comebacking movie ni Maria na “Momzilla” na naging box-office hit. Present din si Kris Aquino, ayaw magpa-interview, ayon sa entertainment media na nakausap namin last night. Ayon kay Alvin, darating today ang sister ni Direk from the US. Sa kanya malalaman kung kailan ang libing ni Wenn. Pag-uusapin din ng Pamilya Deramas kung sino na ngayon ang mag-aalaga sa dalawang anak na naiwan ni Direk Wenn na sina Gab at Raffy.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield