WHAT? UMABOT sa P130-M ang El Presidente ni Laguna Gov. ER Ejercito?
Talaga?
Well, feeling namin, para ngang totoo, dahil ‘yun ngang Asiong Salonga niya, umabot din ng P50-M plus, eh. Eh, kung kilala namin ‘tong si ER, nakakalimutan niyang dito lang sa ‘Pinas mapapanood ang movie niya (unless, isali sa mga international competition), kaya kung gumawa ng pelikula, parang pang-Hollywood ang tirada.
‘Yung kanyang Asiong Salonga, napanood ko last year sa Metro Manila Filmfest. In fairness, I love the texture at ‘yung kalumaan ng movie. Hindi rin siya nakakainip panoorin at hanep ang mga shots (wagi siyang Best Actor along with Dingdong Dantes for Segunda Mano).
“You should watch this film, Ogs, sa Metro Manila Filmfest,” sabi ng katotong Jobert Sucaldito. Mahahalata mo sa movie na hindi tinipid at malalaman mo rin ang kuwento ng buhay ni Emilio Aguinaldo.”
Nakakalokah nga ‘tong si Gov kung mag-produce ng movie. Kahit hindi pa mag-number one, basta makapaghain lang ng bonggang movie.
ISA PANG ayaw nang banggitin kung magkano ang ginastos ay itong si Sen. Bong Revilla, dahil in the first place, isa pa rin siyang walang keber sa gastos para lang mapaganda ang pelikula.
Sa nakaraang movie nila ni Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, “Halos doble nito ang budget. Grabe ang mga effects at tiyak na matutuwa ang mga bata. Bihira lang kasi akong gumawa ng movie, might as well, ‘yung masusulit na ang mga manonood.”
Kine-claim na ni Kris Aquino na magna-number one ang Sisterakas nito with Ai-Ai delas Alas and Vice Ganda, kaya ‘yun tuloy ang naitanong kay Bossing Vic Sotto sa triumvirate naman nila nina Judy Ann Santos at Bong Revilla, “‘Yun ba sabi niya? Eh, ‘di siya na!”
Hahahaha! Kaswal na kaswal lang ang pagkakasabi ni Bossing Vic, pero halatang nagpapatawa lang ito. Actually, mas gusto ni Bossing na kumita lahat ng pelikula sa Filmfest (lalo na ang Si Agimat, Si Enteng At Si Ako) para lalo pang sumigla ang industriya.
By the way, puring-puri namin si Bong, dahil ang laki ng ipinayat nito at ibinata ng mukha. Patawa nga ng lalong gumuwapong senador, “Hindi po ito produkto ng stem cell. Produkto ito ng sperm cell!”
Hahahaha!
EWAN BA naman namin kumbakit laging nangingilid ang luha sa mga mata namin kahit paulit-ulit na naming napapanood ang full trailer ng One More Try nina Angelica Panganiban, Angel Locsin, Zanjo Marudo at Dingdong Dantes.
Sobrang naiintriga kami sa kuwento ng pelikulang ito ng Star Cinema na kalahok din sa Filmfest. At ‘eto, ha? Aaminin ko na. Ito ‘yung unang pelikulang panonoorin ko sa Filmfest para matapos na ‘tong iniisip namin kung paanong nalutas sa pelikula ‘yung dilemma ng mag-asawa na hinihiram ng isang ina (si Angel) ang ama (si Dingdong) ng kanyang anak sa asawa nitong si Angelica para lang madugtungan lang ang buhay ng kanilang love child sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng isa pang kapatid na paghuhugutan ng bone marrow na kakailanganin ng love child nila.
Hay, nako… hahahaha! Hanggang ngayon, intrigang-intriga kami rito. Kaya sabayan n’yo kaming manood, ha?
Oh My G!
by Ogie Diaz