I LOVE watching gay films. Yong disente at hindi gawa lang for the purpose na “pa-elyahin” ang manonood at pinapalabas sa mga 3rd rate theaters sa Manila. May isa sa may Cubao na katapos ng mall na favorite ko puntahan located along Aurora Blvd. in Cubao in Kyusi.
Nagustuhan ko ang mga gay themed films ni Direk Adolfo Alix Jr. na naipapalabas sa mga film festivals noon tulad ng “Daybreak”, ang kina Sid Lucero at Cogie Domingo na “ Muli”, na isang kakaibang love story na nagsimula noong kabataan nila na tumawid hanggang sa kanilang pagtanda.
Ngayon naman ay dapat abangan ng bawat isa – lalaki man o babae, straight man or into gay-lesbian relationship ang pelikulang “4 DAYS” ni Direk Adolf. Iba ang pagtatalakay nito sa klase ng “pag-ibig” between Mark and Derek played by Mikoy Morales and Sebastian Castro respectively.
Sa kuwento, both are students of UP Diliman na umikot ang kuwento ng kanilang “millennial gay romance” sa dapat na Valentine’s Day kung bakit “4 Days” ang title ng pelikula.
Ang daming mga locally produced LGBT themed films sa Pinas pero mabibilang ko lang talaga ‘yong disente at gusto ko na kahit may kalayuan sa homebase ko ay dadayuhin ko para panoorin.
Kaya nga I’m lucky at ang 4 Days ay ipapalabas na sa darating na Wednesday, October 18 sa Ayala Cinemas ( Trinoma at Greenbelt 1).
Sabi ni Direk Adolfo during the special screening, masaya siya dahil magkakaroon ng commercial screening ang pelikula niya.
”Hindi man tanggap na tanggap ang mga LGBT films sa atin, at least nagkakaroon ng chance ang mga producers and directors to show and impart their message to the public,” sabi ni Direk Adolf.
Sa pagpapalabas ng 4 Days ay kasabay din mapapanood ang Nora Aunor and Alden Richards short film na “ Kinabukasan” na nagwagi as Best Short Film in 2015 sa Gawad Urian.
Goodluck!
Reyted K
By RK Villacorta