SA MGA NAKAPANOOD ng trailer ng MMFF 2019 entry ng Viva Films na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbibidahan ni Aga Muhlach, madami ang nagsasabi na ang aktor diumano ang hihirangin na Best Actor sa Gabi ng Parangal.
Positive ang reaction ng madlang pipol. Excited sila na mapanood ang pelikula na Filipino adaption ng isang sumikat na Korean movie.
Ayon kay Aga sa recent media conference para sa pelikula, hindi ito nag-iexpect ng acting award for the film na kung sakali man magkatotoo, nangako siya ng bonggang blowout sa lahat ng press na present sa mediacon.
Kung sakali maging makatotohanan ang Best Actor award na yan: ”Magpapa-party ako!”.
Dagdag niya, hindi biro o playtime ang statement niya na magbo-blow-out siya sa press kung sakali ang magiging Best Actor sa film festival na magsisimula sa December 25.
Sa nangyari na special advance screening ng movie recently, puring-puri ng media ang aktor sa ipinamalas niyang performance as Angelito na isang mentally-challenged na ama (ni Xia Vigor) na napagbintangan na nanggahasa at pumatay ng isang bata na anak naman ni Tirso Cruz III na may very special role sa movie.
Sabi ni Aga: “Ayokong asahan kasi dahil more than anything, mas masaya ako na maipakita yung pelikula namin na ginawa. Gusto ko talagang mapanood nilang lahat yung pelikula, more than anything.”
Dagdag pa niya: “It was really overwhelming. Kasi hindi ako nanonood ng pelikula ko, napapanood ko lang ang pelikula ko pag premiere night na. Pagkakita nila sa akin they were started clapping and congratulating me. Sabi ko, ‘Wow, parang nakakahiya naman.
‘Ayokong masyadong mag-expect na ganun, masaya na ako nag-enjoy sila and they were all congratulating me and the whole cast. And siyempre, parang alam na nila, may mga haka-haka, may mga predictions silang sinabi, happy sila, eh,” pagse-share niya sa media ng nararamdaman niya regarding the award kung susuwertehin.
Sabi ni Aga tungkol sa mga good reviews sa kanya na nakapanood na ng pelikula: “Thanks for all the good comments but I don’t wanna expect anything. I’m just glad that after so many years, may entry ulit ako sa Metro filmfest, where I won two best actor awards for ‘Bakit Labis Kitang Mahal’ and ‘May Minamahal’ and that was almost 28 years ago. “
Sa katunayan may tsismis nga, naka-take 10 daw ang aktor sa isang eksena pero ayon sa aktor, ready siya kahit maka-ilang take basta sa ikagaganda ng film.
Kuwento niya sa mga press at bloggers na naroroon na kaharap niya, noong first three days daw ng shooting nila ay kinakapa na niya ang role kaya hindi maiiwasan. Pero after ng first three days of shooting, lahat take-one na ang mga eksena niya, pabirong kuwento ni Aga sa media.
Sa katunayan, hindi pinanood ni Aga ang pelikula para hindi ma-influence ang style of acting niya na Tatak Aga Muhlach.
Si Direk Nuel Naval na director ni Aga sa movie has something to say sa bida niya. ”I’m humbled na this guy, he trusted me as a director, so sobra akong thankful din sa kanilang lahat. Every day I look forward to going to the shoot, hindi mabigat yung pakiramdam mo because you know you’ll be working with the best sa industry.”
Sa Parada ng mga Artsta na magaganap sa Dec. 22 sa Taguig City, ang dalawa anak ni Morning (tawag naming sa kanya) na sina Andres at Atasha ay makakasama ang dad nila sa parade.
“My family will support me. Excited na nga yong dalawa,” pagtatapos niya.