BINIGYANG-LINAW NI Boy Palma ang pangyayari sa hindi pagsama nina Ms. Nora Aunor at John Rendez sa France for Cannes Film Festival. Sinisisi ng grupo ni Brillante Mendoza na si John ang naging dahilan kaya hindi na ito tumuloy.
“Sinabi nila sa akin, nang ibigay sa kanila ang tickets the day itself, nakita nilang economy ang tickets. Nagalit si John. Sabi nga ni John, “Sasabihin na naman nila, ako ang naging dahilan kung bakit hindi makaka-attend si Guy sa Cannes Film Festival.” Pinagtanggol lang ni John si Guy. Bigyan naman natin siya ng credit sa ginawa niya. Prinotektahan lang ni John si Guy. Bakit ngayon, sinisisi siya? May nagsasabing business class sina Guy, pero ang totoo, economy ang tickets nila dahil ipinakita sa akin ni Ate Guy. Nasa akin ang tickets nila.”
Lumalabas na wala yatang budget si Brillante Mendoza for the business class tickets para kay Ate Guy. Pero ang balita namin nasa business class ang lahat ng entourage ni Direk. Bakit ang Superstar at kasama nito, economy tickets lang?
“Wala ako roon. Ang point dito, naisama mo nga ang isang katutak na ‘yun. Magkano lang ba ang idadagdag mo sa business class? Kung may sama siya ng loob, hindi alam ni Guy.
According to FDCP mayroon naman daw. According to Sen.Loren legarda, kung nalaman niya kaagad, nagawan niya ng paraan. Hindi alam ni Loren na may problema. Nang kinausap niya si Guy, hindi niya alam na may problema. Kaya nang pauwi na siya, hindi dumating sa red carpet si Ate Guy, umuwi na siya. Nagkausap silang dalawa, nagkaliwanagawan. ‘Yan ang istorya.”
Sinabi rin ni Tito Boy na walang explaination galing kay Brillante kung bakit naging ganu’n ang pangyayari sa kanila ni Ate Guy. Kahit nandito na siya. May nagsabi na magbibigay siya ng statement pagdating niya rito sa Pinas. Even one of the staff of Brillante hindi tumawag kay Guy para i-explain.”
Na-ospital pala si Ate Guy sa Cardinal Santos Hospital for one week bago ito tumulak patungong France, at alam ito ni Brillante Mendoza at grupo nito. Kahit nga kailangan muna nitong magpahinga, pinilit pa rin niya ang sarili para makapunta.
“It’s gonna be business class, okay lang kay Ate Guy kasi hindi siya mapapagod at dala niya ang mga gamot na bigay sa kanya ng doktor. Hindi na nga nagpa-confine sa hospital si Ate Guy dahil aalis na nga sila.”
Ang ginawa ni John nang hindi na sila natuloy ay hinanap niya si Carlo (line producer) na siyang dapat sanang kasama nina Guy and John. Nang malaman ni Carlo na ayaw nang sumakay sa plane sina Guy at John, iniwan na lang sila at hindi na nila ito nakita sa airport.
“Gusto lang ipaalam ni Guy, kung wala si John nu’ng araw na ‘yun, hindi alam ni Guy ang gagawin. Lalong naging kawawa siya. Si John ang pagod na pagod, pinabayaan na lang sila ni Carlo. More or least dapat sana kung may problema, si Carlo ang nag-aasikaso. Nang paauwi na sina Guy, wala na ‘yung saksakyan. Iniwan pansamantala ni John sa may pintuan ng airport na tumatakbo para kumuha ng taxi. Pagbalik ni John pawis na pawis.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield