OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka. Don’t make your Monday a blue Monday!
Nakakaloka naman ang chikka at ayaw talagang magpaawat. Nakawiwindang ang chikka, hindi kinekeri ng powers ko, hahaha!
Nag-forward nga ng chikka ang kaibigan kong si Chito Alcid, tungkol sa nangyari sa burol ni Dolphy. Ayon kay Chito, nakakahiya ang ginawa ni Annabelle Rama na kabastusan noong Friday the 13th.
Aniya, “Ilalahad ko ang kuwento nang walang labis, walang kulang. Alas-sais pa lang ng hapon (maulan) ay nagkita-kita na kami sa Rustan’s Makati nina Daisy Romualdez, Azenith Briones, Amalia Fuentes at Gov. Chavit Singson. Lima kaming sabay-sabay na nagtungo sa Heritage Park para magbigay ng respeto sa yumaong showbiz icon. Naroon ang kanyang mga kapatid na sina Marichu Vera Perez Maceda, Gina de Venecia,Lilibeth Nakpil, Chona atbp. Gabi rin kasi ito ng Sampaguita Pictures at ng aming Balik Samahan. Kaya sini-guro namin na makarating kay Dolphy.
“Merong isang chapel na katabi ang inilaan para sa Sampaguita Pictures na pinamahalaan ni Manay Ichu. Masaya kaming nagbatian ng mga artistang nasa loob ng chapel dahil nga kasamahan ko ang mga ito. Naupo kami sa isang round table para mag-dinner. Magkakatabi kami nina Barbara Perez, Robert Arevalo, Daisy Romualdez, Amalia Fuentes, Azenith Briones at Celia Rodriguez.
“Umupo naman sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa table nina Susan Roces, Armida Siguion-Reyna, Manay Ichu, Grace Poe-Llamanzares, Dolor Guevarra, atbp. Nag-dinner ang lahat, kuwentuhan. Bagama’t natatanaw namin si Rama from the other table, wala kaming imik. Gustong pumunta ni Manay Celia sa CR. Isa lang pala ang CR for male and female. Dumating ang oras na ako naman ang gustong jumingle. Pagtungo ko sa CR, few steps away ay nakita ko si Rama na susunod na gagamit ng CR. Nagkatinginan kami. Umatras na lang ako without saying a word or any expression sa mukha. Bigla itong nagmumura at nagsisigaw: “P.I mo bakla ka. Bugaw!”. Tumalikod ako at hinabol. Panay ang bitiw ng mga salitang hindi katanggap-tanggap ng mga bisitang naroroon. Tumakbo ako pabalik sa aking upuan. Hindi ko siya pinatulan. Respeto naman kay Tito Dolphy at sa pamilya nito, gayun din sa mga bisita. Meron siyang hawak na matulis na bagay. May dinampot pa siyang kutsilyo. Continuous ang pagmumura niya at mga bastos na salita na may nota pang binabanggit. Grabe.
“ Nasaksihan ito ng napakara-ming bituin. Hiniya niya ako pero siya naman ang kahiya-hiya. Iniwasan ko ang kanyang tangkang pananakit. Napakabastos. Bukod sa mga nabanggit ko nang mga artistang nakasaksi, naroon pa rin ang gaya nina Mila del Sol, Bella Flores, Liberty Ilagan, Zeny Zabala, German Moreno, Amparo Lucas, Gina Alajar, Bert Leroy Jr., Pepito Rodriguez, Elsa Payumo, Ramil Rodriguez, Gloria Sevilla, atbp.
“Nakita rin ng anak ni Dolphy na si Epi Quizon ang buong pangyayari. Walang nagawa si Eddie Gutierrez. Hindi niya kayang pigilan si Rama. Si Kuya Germs ang unang umaawat. Pagkatapos ay si Gov. Chavit Singson na ang malumanay na inilayo sa akin si Rama. Dumating na ang security assigned at inilabas na ang nanggugulo.
“Very traumatic ang ginawang pang-aamok ni Rama. Natulala ako. Ang mga isinisigaw niya against me ay siya ‘yun! Never in my life na ako’y naging bugaw. God knows. Bawal ang media sa loob ng aming room pero nakalusot pa rin ang ilan. Paglabas namin para umuwi na ay napa-karaming nag-interview sa akin. Basahin ninyo sa Pep.ph at sa iba’t ibang shows.
“Ginawa na ni Rama ang pambabastos sa wake ni Joey Stevens, mister ni Amalia, nang magsuot ito ng kulay pula at nanggulo rin. Walang modo ang babaeng ito. Tsk. Tsk.”
‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding