Sa hearing ng kaso
Jennylyn Mercado, itinaboy ang crew ng isang istasyon

HINDI NAGUSTUHAN ng crew ng TV5 ang inasal ni Jennylyn Mercado sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kanyang kasong isinampa laban sa kanyang dating tauhan na si Mel Pulmano.

Court proceedings, unless ordered by the judge, are for media coverage. Hindi yata ito alam ni Jennylyn na pinipigilan ang pagkuha ng TV5 crew sa mga kaganapan sa korte at a recent hearing. Sa mga ganoong pagkakataon, all media outlets — radio, TV and print — are like attendees to a huge banquet where food and drinks can be enjoyed free of charge.

Nakalimutan na rin yata ng aktres na ang nagprodyus ng kanyang Metro Manila filmfest na Rosario noong 2010 ay ang film arm ng TV5, kung saan ang kuwento’y umiikot sa buhay ng ehekutibo ng istasyon na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Walang nagawa ang cameraman but to back off. Incidentally, ang pangalan ng TV5 crew na ‘yon ay Gerald Garcia, unrelated pero kaapelyido ng dating nobyo ni Jennylyn na si Patrick Garcia, na lihim na kinaiiritahan ni Jennylyn dahil sa hindi nito pagbibigay ng regular na suporta sa kanilang anak.

LET THIS diehard Vilmanian remain anonymous, if not obscure, pero pa man ay binabalaan na kami ng kampo ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto to stay away from this (non-)entity.

Kamakailan ay merong ikinakalat na text message ang taong ito, tungkol  ‘yon sa kinukuwestiyon niyang pagkapanalo ni Nora Aunor bilang Best Actress sa international film festival held in Venice, Italy.

Kesyo hindi naman daw sa lehitimong komite na naatasang magbigay ng mga award nagmula ang parangal na ‘yon, worse, the handing of the certificate merely took place at a restaurant. Nauna na naming nakita ang larawan sa Facebook kung saan direk Brillante Mendoza was holding the certificate with Ate Guy standing right beside him.

Pahabol pa ng texter, kinikilala raw ba ang Venetian film festival na ‘yon?

Hindi ‘yun ang unang paninira through text that this fan who claims to be a Vilmanian has resorted to.

When TV5 got Nora to do mini-series, nag-text ang Vilmanian na ito na kesyo its pilot episode was a dismal failure, ratings-wise. Generally, sa aming pagkakaki-lala sa mga kapwa namin Vilmanians ay tahimik lang ang laksa-laksang grupong ito.

More than anything, ang focus ng grupo ni Jojo Lim sampu ng mga miyembrong bumubuo ng Vilma Santos Solid International (VSSI) ay ang career ng aming common idol. If Ate Guy has revived her career, hindi ‘yon naging big deal para sa mga tagasuporta ni Ate Vi, in fact, they are just as happy for the Noranians na nakabalik na ang Superstar.

Sa ginagawang ito ng isang Vilmanian, he is not doing his idol any good.  Worse, his brickbats against Nora tend to backfire on Vilma gayong wala itong kamalay-malay sa mga pinaggagagawa ng isa niyang tagahanga.

Sa sobrang identified ng Vilmanian na ‘yon sa kanyang idolo, the worst case scenario would be for the Noranians to think na posibleng pakawala ‘yon ng kampo ni Ate Vi to discredit Ate Guy.

Kami na ang humihingi ng paumanhin sa asal na ito ng isang Vilmanian who, again, is doing more harm than good  to the actress-politician.

To top it all, tigilan na ng Vilmanian na ito ang pagsasabing there still exists an arch rivalry between Vilma Santos and Nora Aunor, Nora Aunor and Vilma Santos.  It’s so very 70s!

Haven’t we

moved  on?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBela Padilla, gagawin lahat sumikat lang!
Next articleIsko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

No posts to display