KUNG KILALA namin si Ai-Ai delas Alas, talagang noon pa ay “uhaw” na siya sa tunay at dalisay na pagmamahal ng isang lalaki. Pangarap din niyang maikasal.
Pero siguro nga, kapalaran na niyang mabigyan ng lalaking sa huli pala ay makikilala niya at hihiwalayan. Kaya sabi namin sa kanya (lagi-lagi), “Hindi lahat ng magagandang bagay, ibibigay ng Diyos sa ‘yo, mare.
“Maaaring hindi ka niya bibigyan sa ngayon ng tamang lalaki, pero binigyan ka Niya ng mga tamang anak na nagmamahal sa ‘yo nang totoo at kahit ano pang mangyari sa ‘yo, lagi lang silang nandiyan para sa ‘yo.”
Sobra-sobra rin kasing magmahal itong kumare namin. Lagi niyang iniisip na ‘yun na ang huli at siya na ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Pero sa totoo lang, pinipilit lang naman niyang maging masaya, dahil baka kasanayan din niya.
Ang mahirap pa rito ke Mareng Ai-Ai, all mine to give. ‘Pag binigyan siya ng kendi ng lalaki, iba siyang mag-appreciate. Sinusuklian niya ng factory ng kendi. Gano’n siya ‘pag nagmahal.
Kaya nga sa dami ng kaibigan niyang nagmamalasakit sa kanya, lahat na lang ay nananalangin na, “Sana naman, ito na nga ‘yung lalaki para ke Ai-Ai at wala nang maging problema.”
Hindi bale, mare. Malungkot ka ngayon, pero ngumiti ka, dahil sa maagang panahon ay nakilala mo nang hindi kayo para sa isa’t isa. At doon, naramdaman mo na dapat na sobrang mahal ka ni Lord.
DUMALAW SA burol ng mommy ni Angelica Panganiban ang ex-boyfriend nitong si Derek Ramsay nu’ng Thursday nang hapon. Nagdala pa nga ng ilang boses ng ine-endorse na donuts si Derek.
“Pero hapon ‘yon. Wala si Angel. Kasi, sa gabi nakatoka si Angel, eh.
“In fairness, si Derek, nagpaalam. Tumawag sa ate ni Angel na kung puwede siyang pumunta ng burol. Tapos, itinawag naman ke Angel. Okay naman ke Angel, although hindi na nga lang sila nagkita.
“Kasi, si Lola (‘yung namatay na si Mommy Melania), kilala rin niya si Derek, kaya nalungkot din si Derek nu’ng namatay si Lola.”
SO, WALA na pala sa pangangalaga ni Ophrah Winfrey si Charice Pempengco, dahil hindi nagugustuhan ni Ophrah ang attitude at pagpapa-tattoo ng international singer na si Oprah ang nagpasikat.
Actually, hindi namin kinukuwestiyon ang pagpapalit ng pagkatao ni Charice. Choice niya ‘yon, eh. Kaso nga lang, hindi pa rin maialis sa isip at puso ng mga sumubaybay sa kanya ‘yung dati’y isa pa siyang inosenteng bata na ang akala ng majority ay lalaking babaeng-babae habang bumibirit.
Eh, ngayon, mas lalaki pa sa lalaki kung umasta. So, nasa adjustment period pa lang ang audience ni Charice kung paano itong tatanggapin.
Maging kami ay hinayang na hinayang, dahil ang ganda na ng packaging ni Charice noon, eh. Nakakapanibago lang. ‘Yung pagpapalit ng “attitude,” maaaring tanggap ng nakararami, pero hindi ang pagbabago.
Oh My G!
by Ogie Diaz