HULING TAON na pala ni Quezon City Councilor Roderick Paulate sa pagiging lingkod bayan ng District 2 ng lungsod na saklaw ang Commonwealth Ave., Payatas, Holy Spirit, etc.
Sayang naman na magtatapos na ang siyam na taon na paglilingkod ni Kuya Dick na mula nang pasukin ang pulitika at naglingkod ng 9 years sa kanyang mga constituents ay parang bitin naman at magtatapos na sa 2019 ang kanyang serbisyong bayan.
I’m sure, hahanap-hanapin siya ng mga bata ng Payatas na pinaglingkuran niya sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga Day Care Centers kung saan malaki ang naitutulong sa mga magulang ng mga bata dahil nagagawa nila iwanan ang mga anak nila sa ipinatayong facilities para may pagkakataon sila maghanap buhay ng marangal.
Mami-miss din si Kuya Dick ang mga senior citizens na patuloy niya pinaglilingkuran with his projects na libreng reading glasses sa mga ito na anytime na kailangan ng mga nanay, tatay, lolo at lola ay makakahingi sila.
Hindi ko alam na three terms lang pala pu-pwede mag-lingkod ang isang local government official kahit gustuhin man ng taong bayan or ng pinaglilingkuran niya na i-extend ang serbisyo niya.
Sa pagtatapos ni Kuya Dick as konsehal at public servant ng District 2 ng Kyusi, we hope ituloy pa rin niya ang paglilingkod on a local level so he can serve them at maipagpatuloy pa rin ang kanyang interest na makatulong.
A higher position kaya like he runs for Vice Mayor or Mayor or run in congress so he can serve the people directly.
What do you think?
Reyted K
By RK Villacorta