AYON SA third party tabulator Box Office Mojo, ang pelikulang It takes A Man And A woman na ang maikukunsiderang Highest Grossing Filipino Film of All Time, kung saan kumita daw ito ng P401 million local revenue at dinaig na ang kinita ng pelikulang Sisterakas.
Nakausap naman namin kamakailan si Sarah Geronimo, bida sa nasbaing pelikula, at ayon dito ay nagulat nga siya sa mga nangyari dahil akala niya ay ‘di ito aabot sa ganito kalaking kinita dahil nga na-pull out ang nasabing pelikula dahil sa international film na Iron Man at naibalik lang ito muli. Hinuhulaan na sila ni John Lloyd ang maaaring makakuha ng kategoryang Phenomenal Box-Office Stars sa susunod na taon sa Guillermo Mendoza Memorial Award’s Night at kung mangyayari man ito ay labis itong pinagpapasalamat ng Pop Princess.
Busy bilang isa sa mentor ng The Voice Philippines, ito ang dahilan kung bakit na-shelved ang isang weekly drama show dapat ni Sarah sa ABS dahil alam nga ng aktres na napaka-challenging at ‘di biro-biro ang responsiblidad din niya bilang isa sa mentor sa nasabing talent serach program.
Ikinataba rin ng puso ang paghanga sa kanya ni Charice nang aminin nito ang tunay na kasarian at sabihing isa si Sarah sa showbiz crushes niya, ayon sa aktres ay mataas din ang pagahanga niya sa talento ni Charice at sinasaluduhan niya ang tapang nito para aminin ang tunay na pagkatao.
Hindi lang namin naitanong kung gaano katotoo na sweet na sweet daw sila ni Matteo Guidicelli sa katatapos na Independence Day celebration sa America, kung saan sa isang show raw ay sweet ang dalawa. Wala namang magiging problema kung saka-sakali lalo’t balita na break na sina Matteo at Jessy Mendiola, kung saaan ang aktor daw ang nag-initiate ng break-up.
SA PRESSCON kina Sam Milby at KC Concepcion para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala, kinumpirma ni Sam Milby na hanggang sa ngayon wala pa siyang girlfirend, pagkatapos ng ilang taon na rin nilang break-up ni Anne Curtis.
Kinumusta namin ang nali-link sa kanya na si 2013 Bb. Pilipinas-Universe winner na si Ariella Arida na balitang dumalaw pa sa bahay ng aktor. Ayon sa kanya, ‘di na niya nakita muli ang beauty queen at wala rin silang komunikasyon dalawa.
Naugnay din kay Shaina Magdayao, pero mukhang sa wala rin kinapuntahan ang paglabas-labas nila noon, pinaliwanag ng aktor na naging tapat lang siya noon sa pagsasabi ng paghanga niya kay Shaina na napalaki ng ibang tao, pero hindi nga ito lumalim.
Aminado naman ang aktor na matagal talaga siyang mag-move on pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang isang relasyon, buhos at malalim magmahal kung kaya’t hirap pala si Sam na mag-move on at magmahal muli.
Pokus sa kanyang showbiz career, kung saan sunud-sunod ang mga seryeng ginagawa ni Sam mula nang bumalik siya sa Pilipinas para subukan ang career sa Hollywoood.
Sobrang nagpapasalamat si Sam dahil mismong si Judy Ann ang pumili sa kanya sa role bilang si Eros at pinaglaban din siya nito sa manager na si Tito Alfie Lorenzo na noong una ay tutol na siya ang makatambal ng alaga sa pagbabalik-serye nito. Para sa aktor ay challenge ito sa kanya na patunayan ang kanyang kakayahan at ipakita na deserving talaga siya sa tiwala sa kanya ni Juday.
Kakaiba ang role bilang si Eros kumpara sa mga nauna nang roles na nagampanan, kung saan karamihan ay goody-goody roles, ang maganda kay Sam ay ‘di nito lilimitahan ang sarili sa mga roles na tinatanggap dahil naniniwala siya na makakatulong ito sa pag-unlad niya bilang isang aktor.
Mapapanood ang Huwag ka Lang Mawawala sa June 17 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA