TALAGANG PANAHON nga ni Eugene Domingo ngayon. Matapos manalo sa Asian Film Awards recently, wagi rin siya bilang best comedy actress sa katatapos na Golden Screen Awards ng EnPress (Entertainment Press Society) para sa Ang Babae Sa Septic Tank.
Tanong tuloy namin nang makakuwentuhan siya after ng kanyang live guesting sa Showbiz Central last Sunday… naiisip ba niya na kailangang i-level up pa niya ang kanyang kalibre bilang isang de-kalibreng actress-comedienne?
“Uhm… ako kasi kung magplano ng mga projects ko, kung ano ‘yong possible, e. Right now, I am very happy with the
projects I have for the year. I have Kimmy Dora sequel (Kimmy Dora and The Temple if Kiyeme). And I have a musical movie, The Apo Hiking Society musical movie I Dobidoo Bidoo. And then I will have a play for PETA. So, I’m just happy with those three beautiful projects.”
Will she be more choosy na ngayon sa mga projects na tatanggapin niya?
“Medyo mapili talaga ako kasi gusto ko, excited ako. Kapag excited ako, excited din ‘yong mga manonood. Makikita
nila iyon, e. At saka hindi ka mawawalan ng gana. And, unang-una talaga sa akin, masaya ba ang company? Nagawa ko na ba? Hindi ko pa ba nagagawa? You know, you always challenge yourself. So that, hindi masasayang ang pera ng audience kapag nanood sila. Alam nilang may makikita silang bago.”
FOR SURE, mas mataas na rin ang TF niya ngayon? “Mahal ang bilihin, so sana, sumabay rin ang suweldo!” natawa si Eugene. Ang isa pang ikinai-excite nang husto ni Uge ngayon ay stage play version ng critically-acclaimed movie noon nina Nora Aunor at Phillip Salvador na Bona. Pumirma na raw ang Superstar tanda ng pagpayag nito na gawing stage play ang nasabing movie.
“No’ng Golden Screen Awards, pinara-ngalan ang Superstar para sa Lino Brocka Lifetime Achievement Award. I’m very honored to have the honor, to honor Miss Nora Aunor!” nangiti niyang sabi.
“My goodness, I am so Aunored! Hahaha! Alam mo sa totoo lang, meron talaga kaming connections. I mean, magaan ang loob niya sa akin. Nagpapasalamat ako. Ako naman, talagang bow na bow naman ako talaga kay Miss Nora Aunor. Naramdaman ko naman na parang kampante siya na pirmahan niya na, nag-go signal. At ako naman, e… buong lakas kong aalagaan kung anuman ‘yongkanyang itinatak sa Bona. Napanood ko na ‘yon no’ng bata pa ako! And, ‘yong gagawin ko naman, it’s a stage version. You don’t expect to see the same on film. Okay? Iba ang dynamics sa theater.
And also, ia-update natin ‘yan. Because… 70’s pa ‘yon, hindi ba? So ia-update natin iyan to 21st century. May fresh elements pa rin.” Paano ang gagawin niya atake, seryoso o comedy? “I hope not too serious. I hope it’s really modern.”
Sinong gaganap sa role ni Phillip Salvador bilang aktor na sinamba ng alalay na si Bona (character nga ni Nora sa pelikula)?
“Hindi ko alam kung meron akong authority na sabihin ‘yan. But, I’m very sure, magugustuhan ninyo. He’s so hot!” tawa na naman niya. “So handsome!”
DISMAYADO ANG mga TV crew na uma-sang mai-interview si Kris Lawrence kaugnay ng pag-amin ni Katrina Halili na siya
ang ama ng ipinagbubuntis nito. Sa Party Pilipinas kasi, nag-okey raw ang singer na magpapa-interview nang i-approach nila.
So, matiyagang naghintay ang lahat sa lobby ng new building ng GMA-7. Pagkatapos umere ng Party Pilipinas, kampanteng inabangan ng mga TV crew si Kris. Pero nang makaharap na nila ang singer, tumanggi nang magpa-interview pa.
Diretso kaagad si Kris sa hagdan pababa ng parking area sa basement. Siyempre, ang reaksiyon ng mga nag-aabang na maka-panayam siya, bakit nag-oo at pinaghintay pa sila kung gano’ng ayaw naman pala niya.
Bakit nga ba ayaw? Hindi ba dapat ay kasing-proud ni Katrina si Kris tungkol sa magiging anak nila.
Parang sampal kay Katrina na habang very vocal sa pagsasabi kung gaano siya kasaya sa magiging baby nila ni Kris,
todo-iwas naman ang huli na magsalita tungkol sa ipinagbubuntis nga ng seksing aktres.
Ang nagiging intriga tuloy, hindi raw kaya ayaw magsalita ni Kris, duda siya na sa kanya ang ipinagbubuntis ni Katrina?
May ganyan talaga?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan