AS WE WRITE this — bagama’t sa telepono lang — ay nagkaayos na sina Lolit Solis at Lito Camo over the issue on the alleged source of Manny Pacquiao’s pictures taken sa binyag umano ng anak nito with another woman with ‘Nay Lolit as the principal suspect.
Like a piece of distorted news that is passed on to another person, the end receiver na ang umano’y nagpakalat ng mga litrato ng binyag ng anak daw ni Pacman was Lolit gaya ng ipina-lalabas daw ng natu-rang kompositor closest to him. Agad namang inalmahan ni Lolit ang suspetsa ni Lito, sa-ying that if she were the source ay ipinang-blackmail na raw sana niya ang mga larawang ‘yon sa mag-asawang Manny at Jinkee, kumita pa siya.
And speaking of “kita”, with Lolit’s reconciliation with Lito albeit through phone ay kumita pa siya. Thanks to Cristy Fermin who brokered the peace efforts.
Masayang kuwento ni Cristy, nu’ng una raw ay abut-abot ang pagsumpa-sumpa ni Lolit kay Lito, “Baklita siya! Ako pa ang napili niyang intrigahin! Kung ako ang source ng mga naglabasang photo, eh ‘di pinagkakitaan ko na ‘yon, ako pa, eh, mukha akong pera?!”
Cristy then took a cue from there. Public knowledge naman kasi that ‘Nay Lolit is admittedly “M.P.” Hindi Manny Pacquiao, kundi Mukhang Pera.
“Manay Lolit, mag-usap kayo ni Lito, patatawagan kita sa kanya,” pakiusap ni Cristy na malapit din sa songwriter. Lolit would not budge, imbiyerna pa rin siya kay Lito. Like a sales agent who never gives up until a business deal is sealed, humirit si Cristy: “Manay, 10 K.”
No response from Lolit, ewan if the offer did not sound loud enough. Or big enough. Humirit uli si Cristy: “Manay, 20 K!”
Sagot ni Lolit: “Ano’ng oras mo siya patatawagin sa akin?”
EWAN IF REGIONALISM has anything to do with it, but among our kababayans ay kilalang may likas na lambing ang mga Ilonggo. Sila ‘yung mga kapatid natin sa Silangang bahagi ng bansa na nang magsabog yata ng pagkamahinahon ang langit
ay binaklas nila ang kanilang mga bubong.
Sa mga kolum lang namin napapasadahan ang
pangalang Jay Montelibano, BUH (business unit head) ng programang Wil Time Bigtime. We haven’t been given both the privilege and the pleasure to personally meet the guy until iniupo kami ng kaibigang Cristy Fermin sa kanyang radio program (with bosom buddy Richard Pinlac) na Cristy Ferminute (which airs 4-5:30 p.m. on 92.3).
A seemingly low-key boss, pero may taas who can pass for a professional cager, mula pala sa Bacolod ang tinaguriang Mr. Cool na si Jay. Clad in white polo shirt and maong jeans, Jay struck us as an introverted, laid-back guy na malayo sa mga karaniwang demigods in a TV network, much less at the helm of TV5’s top-rating variety show on primetime.
Why his monicker Mr. Cool is largely attributed to Jay’s work style. As we all know, mounting a daily show like WTBT entails a great deal of tension: mula sa pag-aasikaso ng kanilang studio audience who fall in long queues as early as sunrise, hanggang makapasok ang mga ito for some share of good luck.
Pero kumbaga sa isang beauty pageant, despite the pressure comes the pleasure that Mr. Cool is able to derive sa kanyang mahinahong approach in balancing things out. Without pandering (read: pagsisipsip), naramdaman namin mismo ang pagiging swabe ni Jay without compromising his task, unlike most BUHs that we know who are cool yet complacent.
ABANGAN NGAYONG LUNES sa Face To Face ang kuwentong Ayokong Sumiping Sa Asawa Ko Dahil Kabit Niyang Mababa Ang Lipad, Hinawahan Siya Ng Tulo! Taped in Morong, Rizal, buong-ningning na inamin ni Shirley na isa siyang bayarang pokpok sa harap mismo ng live-in partner ng kanyang kaulayaw na si Carmen. Pero giit ni Shirley, hindi niya nahawahan ng STD ang dyowa ni Carmen na si Manuel.
Another beki episode awaits you tomorrow, Tuesday, via Beking Ampon: Alagad Na Ni Satanas… Kaya’t Anghel Na Nanay, Pilit Siyang Binabawi Kahit Nagpupumiglas! Ikinalungkot ni Tyang Amy Perez ang matigas na puso ng beking orphan na si Arnold sa kabila ng pagsusumamo ng kanyang adoptive madir na umuwi na ito sa kanilang bahay.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III