EWAN KO NGA ba sa ibang mga kababayan natin, tumutulong ka na nga sa kapwa mo ay bibigyan pa nila ng maling interpretasyon.
Ito ang nangyari kay Gretchen Barretto at sa mga kaibgan niya na sina Mimi Que and Patty Pineda na kasa-kasama niya sa pagtulong at pagbibigay ng katuparan sa mga wishes ng mga online followers ni Greta.
Sa katunayan, ang daming tulong ni Gretchen na nagawa at napagbigyan. Mga wishes ng mga followers niya like medicines, gatas, wheelchair, pagpapa-opera, insulin (para sa mga diabetics) at kung anu-ano pa, na ang dami-dami na pinasaya ng aktres.
Ang daming mga trolls na walang magawa at mga bashing at puna nang minsan magtawanan sina Gretchen and friends sa naging reaction nila sa isang sulat na ipinadala sa aktres na binasa ni Greta sa FB Live nito recently na hindi nila maintindahan ang pagkakasulat na lumaki ang isyu na tinawag pa ng ibang mga netizen ang aktres na “matapobre”.
Pero yong isyu ni Gretchen tungkol sa maling interpretation ng publiko sa gupo niya ay naayos na. Humingi na siya ng dispensa sa letter sender.
“We apologized po after laughing that night. This is between me, Patty Pineda, Mimi Que and JMula. Si JMula po ang nagpadala ng kanyang mga request at mga wishes. It was very rude I admit. It was inappropriate, very unladylike for us to behave that way.
“Sorry po 48 years old na po ako and I should be behaving my age. But sadyang immature pa din po ako and I am very sorry, I would like to make a public apology po. Although Joan Mula accepted our apology that very night,” paliwanag ni Gretchen ni Gretchen sa kanyang FB Live last Saturday.
Bilib din ako kay Greta. Sa kabila ng mataas niyang estado ay publicly ay marunong siya humingi ng dispensa sa inaming pagkakamali.
Reyted K
By RK Villacorta