BLIND ITEM: Sino ang guwapong bagets na rock singer na pinagtripan ng bading na kasama niya sa isang gag show?
‘Eto na: merong sariling segment ang komedyanteng bading kung saan pinagtitripan ang mga common tao sa kanyang “blindfold” joke.
Eh, ginawa nito ito sa guwapong bagets. Tinakpan nito ang mata ng bagets at maya-maya ay biglang nagtanggal ng piring ang bagets, dahil napasigaw ito ng, “Tang @$&, ano yon?” sabay pahid ng bagets sa sariling labi na parang nadudura pa.
So feeling talaga ng bagets, nanakawan siya ng smack ng bading. Pero ang sey ng bading, “Hindi, daliri ko lang ‘yung idinampi ko sa labi mo!”
Tapos, paulit-ulit pa rin siya ng tanong kung sure sila na daliri, ah? Eh, mura nang mura ang bagets.
Even the staff affirmed na daliri talaga ‘yon at hindi labi ng bading, kaya napanatag na ang loob ng bagets.
But the truth is, labi talaga ng bading ang dumampi sa labi ng bagets. Hindi lang nila maamin, dahil baka magwala na nang tuluyan ang bagets.
Hahahaha! Ang suwerte naman ng bading, huh!
Hay, nako, makapagpabango na nga muna ng anong brand nga ba ‘yon?
MAGANDA ‘YUNG ginagawa ni Gretchen Barretto – ‘yung wala siyang ginagawa at hinahayaan na lang niyang mag-die down ang isyu sa kanilang mag-iina na ang peg lang ay ang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak.
Sa kabila ng pagpapainterbyu ni Mommy Inday Barretto, ng kuyang si JayJay at ng ateng si Gia ay deadma lang si Gretchen.
Kaya sa kabila ng napakainit na isyu ng mga Barretto na nagbabadya pang kabugin ang mga isyu sa eleksiyon ay isinu-zumba at iniyo-yoga na lang ito ni Gretchen with some of her true friends na kung minsan ay kasama pa ang kapatid at kakamping si Marjorie.
Sa totoo lang, me kani-kaniyang version of truth ang mag-iina, but at the end of the day, walang panalo sa magkakapamilyang nagtatalo-talo.
BLIND ITEM ULI: Mataray ang isang young actor, huh! Sabi ng isang show promoter, sa kampanya raw ay sumisingil ito ng P800-k!
Pero ‘yung amount na ‘yon ay no endorsement of candidates.
Pero kapag gusto mong itaas niya ang kamay mo, tumataginting na P1.5M ang kanyang talent fee!
Juice ko, kahit naman ako pa ang maging manager niyan ay ‘yan din ang isisingil ko, ‘no! Hahahaha! In fairness, an’dami namang natutuwa talaga sa young actor na ito.
Kilala n’yo ba kung sino siya? Itago na lang natin siya sa pangalang “Baby Oil”.
Oh My G!
by Ogie Diaz