SA MGA NAGIISIP na “pera” or raket ang pagkakasali ng singer-performer na si Ice Seguerra sa FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino ay isang pagkakamali na naman ito.
Volunteer work ang project ni Ice para sa FDCP’s Sine Kabataan Short Film Competition na kasama sa all-Filipino film festival na mapapanood sa buong bansa simula August 10 to 21 na nasa pangalawang taon na ngayon.
Last year, sa unang taon ng PPP, ang Sine Kabataan na pinamumunuan ni Ice noong National Youth Commission chairperson pa siya ay gusto niya tulungan ang misis at bigyan pahalaga ang mga kabataan na imbes maituon sa mga masasamang bisyo at pagwa-walwal, maganda idea na with their mobile phones, isang positive projects ito para sa kanila na ipakita ang interpretasyon nila tungkol sa buhay at sa mga isyus sa kanilang kapaligiran.
“I’m thankful dahil sa dami ng mga nag-submit, it proves na madami ang nagtitiwala at naniniwala sa project,” pahayag ng official Ambassador ng Sine Kabataan.
Kahit hindi na NYC Chairperson si Ice na at nagbalik na muli sa pagkanta at pagpe-perform ay ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang advocacy para makatulong sa mga kabataan.
For Sine Kabataan 2018, kabilang sa walong official short film entries out of almost more than 100 videos na isinumite ay ang mga sumusunod : Alas Nuebe ng Tangahali ni Enalyn Legaspi; Anonymous Student Vlog ni Christian Babista; Bahay-bahayan ni Bryan Spencer Reyes; Bato Bato Pick ni Ardinian Jaq Sanque and Lorys Plaza; Isang Tula para sa Nawawala ni Rodemille Singh; Koleksyon Pamalo ni Len Frago; Masaya Ako ni Daniel Edwin Delgado at Tiara Angelica Nicolas at Runner ni Levi Jun Miscala.
Ang mga nabanggit na walong entries ay mapapanood kasabay ng walong official full-length films sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino.
Reyted K
By RK Villacorta