Maaga pa lang, nag-check na ako ng social media account ko. Mga 9:00 ng umaga pa lang, may ilan nang mga showbiz celebrities natin ang nag-post na ng kanilang maagang activity during Election Day.
Nag-participate ang mga celebrities natin sa botohan na ipinakita ang kanilang mga daliri na minarkahan ng “blue” ink.
Ang ilan sa mga maagang nag-exercise ng kanilang kaparatan bilang botante ay sina Anne Curtis, Julia Barretto (first time voter), Lorna Tolentino, Glenda Garcia and Melisa Mendez, mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino, Iza Calzado, Ruffa Mae Quinto, Robin Padilla at misis na si Mariel Rodriguez, Sanya Lopez (of GMA 7), komedyanteng si Pooh, Mike Tan, Dolly Ann Carvajal, at marami pang iba.
Maaga ring bumoto as first time voters sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga presinto.
Pero as of 10 ng umaga pa lang, ang dalawa na ang hottest violators (KathNiel) na hindi sinunod ang Comelec ruling ng “pagse-selfie” na nagpa-picture na hawak-hawak at ipinakikita ang kanilang mga balota.
Sa ruling ng Comelec, bawal ang “selfie” with your ballot. Pero ang diskurso ng ibang pilosopo na kung susundin literally ang ruling, hindi nga selfie ‘yong ginawa ng dalawa dahil hindi naman sila ang kumuha ng picture nila habang hawak-hawak ang kanilang balota, bago nila ito ilagay sa machine para mapabilang ang kanilang boto kundi kinuhanan sila ng litrato.
May nagsasabi na hindi pa raw shaded ang mga balota ng dalawa nang magpakuha sila ng litrato kaya wala raw violation na ginawa ang KathNiel.
“Hindi kasi nagbabasa. Nagmamarunong pa. Dapat tutukan ito ng Comelec para hindi tularan ng iba na sa susunod pa na mga eleksyon,” komento ng isang netizen na nakapansin din sa pictures ng dalawa.
Sa kaso ni Kathryn, naganap ang “selfie” niya with her ballot sa presinto niya sa North Susana Subdivision Clubhouse, kung saan same precinct sila nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ng aktres na si Angel Locsin.
Nakarating na sa kinauukulan ang mga photos ng dalawa na may pahayag si Mr. James Jimenez ng Comelec sa Philstar.com: “For those who willingly and obviously, very openly displayed their ballot, we need to talk.”
Pero may mensahe sa kanyang IG account ang publicist ng KathNiel na si Dominic Rea. Message niya: “Nagsalita na po ang COMELEC! No violation for KathNiel! Sana matapos na ito! Salamat Po.”
We just hope totoo ang official statemet na ito (ayon sa publicist ng dalawa) ng Comelec ayon sa mensahe na gustong itawid ng publicist nina Kathryn at Daniel.
Sa sobrang kaabalahan ni Mr. James Jimenez, ang bilis naman ng pagre-review sa complaint ng ilan sa dalawa na mapawalang-sala sina Kathryna t Daniel. Hahaha!
Si Robin Padilla, isinasabit din sa isyu ng pagkuha ng itrato sa balota niya na shaded na. Matutukan nga ang istoryang ito. Ang saya-saya.
Reyted K
By RK VillaCorta