TULOY ANG LABAN! Tuloy ang demanda.
Ito ang battle cry ng pamosong abogado na si Atty. Ferdinand Topacio sa kaso na isinampa ng client niya na si Joel Cruz sa isyu na inihain nito laban sa Brunei businesswoman na Kathelyn Dupaya.
Maraming isyus ang nilinaw ni Atty. Topacio tulad sa location kung saan magpa-file si Dupaya (sa Basilan) ng kaso ay hindi pala pu-pwede dahil dapat taga-roon ka sa lugar na yun (na doon ka nakatira or may bahay ka at hindi lang kung sinong kamag-anak mo lang ang taga-roon).
Taktika ito ng mga nagdedemanda para i-hassle o abalahin ang kanilang kalaban para umatras or mawalan ng gana sa isinampa na kaso.
Pinabulaan din ni Atty. Topacio na worth P480,000 lang na pabango ang binili ni Dupaya at hindi P2 million tulad sa pahayag nito.
Sa isyung may kaso ang Lord of Scent sa BIR, pinabulaan ito ni Atty. Topacio dahil for the past 20 years a yearly nagbabayad ang kompanya ni Joel sa BIR ng kanilang mga dues at responsibilidad.
Sa media conference na isinagawa last Saturday, nagkaron ng live statement si Cruz via an overseas call (phone patch) kung saan nasa Los Angeles, California siya para marinig ang kanyang panig sa isyu.
Hindi uurong si Cruz sa kanyang inihain na demanda sa Quezon City Regional Trial Court sa utang ni Dupaya sa kanya na 40 Million Pesos at si Ynez naman ay naghahabol ng pagkakautang ni Dupaya na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Malaking pera naman kasi ito at tulad ng tipikal na negosyante, iba ang usapang negosyo.
Sa naturang media conference ay ibinunyag din ni Atty. Topacio na may kasong estafa si Dupaya sa Pasay City Branch 117 kung saan may warrant of arrest na rin ito pero napiyansahan lang.
Pahayag ng legal counsel ni Cruz: “Patunay lang na pattern na niya ang swindling or estafa. Ito ang kanyanng modus operandi,” sabi ni Attorney Topacio.
Reyted K
By RK Villacorta