IKINAGULAT NI Bong Revilla ang nabasa niya sa diyaryo na sangkot sa tax evasion ang seksing actress na si Solenn Heussaff.
Ipinagtanggol ni Bong si Solenn. Naniniwala siya na hindi ta-takbuhan ni Solenn ang mga dapat nitong bayaran na income tax.
“Sana maingat ang BIR sa aspeto na ‘yan. Bigyan naman sana muna nila ng warning para alam nila. Hindi naman siguro nila tatakbuhan ang pagbabayad. Minsan kasi, baka na-overlook o kapabayaan ng accountant nila o nagha-handle nito,” pahayag ni Bong.
Paliwanag pa ni Bong sa BIR, mas marami pa raw diyan na bigtime na dapat habulin. Hindi ‘yung mga artista na porke’t sikat, na may pangalan, para imbestigahan.
“I know they’re just doing their job. Pero sana huwag naman i-publish agad. Paano kung na-damage na nila ang career ng tao?” say pa ni Bong nang makatsikahan namin sa taping ng Kap’s Amazing Stories na napapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
WALANG DUDA na isa sa pinakasikat na teen actor si Daniel Padilla. Kabi-kabila ang mga project at endorsement simula nang mag-klik ang tandem nila ni Kathryn Bernardo.
Pero kasama ng pagsikat niya ay mga pintas ng tao na hindi naman mapigilan. Maraming natatanggap na hindi magagandang comment si Daniel lalo na sa social networking sites tulad ng Facebook at Twitter. Ikinalulungkot lang ni Daniel ay idinadamay ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina na si Karla Estrada.
Natural na kaagad ipinagtatanggol ng teen actor ang pamilya lalo na ang kanyang ina na handa niyang ipaglaban nang patayan.
Aniya, “Hindi lang sa akin kasi ang pintas nila, pati pamil-ya ko ay idina-damay, atbp. Ang sa akin naman, nanay ko na ‘yung binabastos nila. Kapag nanay ko na ang binabastos, ibang usapan na ‘yan, eh.
“Lahat ay gagawin mo para sa nanay mo. Kahit sino sa pamilya mo. Kaya siguro ang tingin nila sa akin medyo maangas, mayabang, ganyan. Pero may sari-sarili naman tayong personalidad, ‘di ba?
“Basta foul, sobrang foul ‘yung sinabi sa ermats ko. Sa Twitter… alam ninyo naman na do’n lang puwede. Hindi naman nila kayang sabihin sa harap namin, ‘di ba?
“Hindi naman ako ‘yung masama, eh. Hindi naman ako ‘yung nagkakaroon ng kahit anong kasalanan. Sila ‘yung nagiging napakabastos ng ugali.
“Sobrang bastos lang talaga. Isipin ninyo, ilang taon ka lang, binabastos na ‘yung magulang ng isang tao. Basta pati magulang ko binabastos, pati si Kathryn. Ano ba namang klaseng tao ka?”
Sabi pa ni Daniel sa mga naninira na sabibin daw sa harap niya at hindi ‘yung kung saan-saan idinadaan ang paninira at pambabastos sa kanya at pamilya.
Napag-usapan nilang mag-ina ang ginagawang pambabastos sa kanila at sinabihan daw siya ng kanyang inang si Karla na kahit na alam niyang binabastos sila ay huwag siyang maging bastos din sa mga naninira.
“Ako naman, hindi naman ako nagmumura sa iba. Gusto lang ni Mama na mag-ingat din ako sa mga sinasabi ko. Maging humble pa rin at huwag tayong lalabas na mayabang. Naiintindihan ko si Mama, kaya cool na lang tayo ngayon,” say ni Daniel.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo