TRAUMA PARA sa naniwalang anak ni Coco Martin sa sexy actress na si Katherine Luna ang biglang paglabas na hindi pala siya tunay na anak ng ABS-CBN prime artist. Ilang taon ding naniwala ang babaeng anak ni Katherine na si Coco ang ama niya kaya naman may malaking epekto ito sa bata lalo na’t malaki na rin ito.
Kahit nga walang suportang natatatanggap mula kay Coco ang anak na ito ni Katherine, simula nang isilang ito hanggang sa lumaki, hindi raw hinayaan ni Katherine na magalit ang kanyang anak sa pinaniwalaang ama. Kaya naman daw very proud itong sinasabi sa lahat na ang sikat na actor ang kanyang ama.
At ngayon nga na inilabas na ang alas ni Coco, ang DNA na magpapatunay na hindi talaga siya ang ama ng anak ni Katherine ay paniguradong hindi ganu’n ito kadaling matatanggap ng bata. Dahil lumaki siyang dala-dala sa kanyang isipan na ama niya si Coco.
Ano nga namang mukha ang ihaharap nito sa kanyang mga kaklase at kaibigan na nasabihan niya na tatay niya si Coco Martin, samantalang ang katotohanan pala ay hindi. Kaya naman pihadong makaririnig ito ng kantiyaw mula sa mga kaklase nito at mga kaibigan.
Hiro Peralta, type pa ring makasama si Kim Rodriguez
BUKOD KAY Joyce Ching, balak daw muling makapareha ng Tween actor na si Hiro Peralta ang kanyang dating ka-loveteam na si Kim Rodriguez na ngayon ay bida sa Kakambal ni Elliana with Enzo Pineda and Kristoffer Martin, samantalang ipinareha naman ngayon si Hiro kay Joyce Ching na real life GF naman ni Kristoffer Martin.
Na-miss daw nitong katrabaho ang kanyang dating ka-loveteam kaya naman daw sana raw ay bigyan sila ng pagkakataon ng GMA-7 na magtambal muli sa mga susunod na soap ng Kapuso Network.
Alam naman daw ni Hiro na gusto rin ni Kim na magkasama sila sa trabaho lalo na’t naging maganda naman ang kanilang working relationship nang magkasama sila sa Tweenhearts at sa iba pang show ng GMA 7.
At ngayon nga na isa rin si Hiro sa ginu-groom ng GMA-7 na maging lead actors ng Kapuso Network at sinusugalan naman ng Kapuso Network bilang newest lead actress si Kim, ‘di malayong magsamang muli ang mga ito lalo na’t maganda naman at click ang kanilang loveteam noon.
HINDI NAPIGILANG maluha ng mga kapatid sa panulat sa magandang istorya at pagkakagawa ng indie film na Metro Manila, mula sa mahusay na direksiyon ni Oscar at BAFTA nominated British Director Sean Ellis.
Dagdag pa rito ang husay sa pagganap nina Althea Vega, Jake Macapagal at John Arcilla. Paniguradong marami tayong mga kababayan ang makare-relate sa pelikulang ito. Isang pelikulang sumasalamin sa buhay ng mahihirap na ang tanging hiling ay makaahon ang pamilya sa hirap.
Isang masigabong palakpakan ang ipinukol ng mga kapatid sa panulat at ilang invited guests and VIPs sa napakagandang obra maestra na ito na hindi lang puwedeng ipagmalaki sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa.
Hindi nga malabo itong humakot ng award sa mga susunod na award-giving bodies, ‘di lang sa bansa kung hind imaging sa buong mundo.
John’s Point
by John Fontanilla