BLIND ITEM: For the sake of ratings, napapayag na rin ang isang TV host-actor na i-guest sa kanilang weekend program ang isang talent manager, bagay na noon pa niya inayawan for some reason.
Kung tutuusin, magandang subject naman ang kanyang panauhin who never runs out of a witty line or two na ikatatawa rin ng mga manonood. Pero kung bakit the TV host-actor had repeatedly refused to have her as guest, none of his staff knew.
Nakailang episodes na ang naturang programa, equivalent to the number of “sablay” ratings. Well, blame the poor, dismal figures on the program’s content. Inconsistent kasi ang laman nito, may magandang segment, meron ding walang kawawaan na dapat lang isisi sa TV host-actor na siya ring nasusunod sa creative aspect nito.
Hay, kung alam lang ng talent manager na pinaplastik lang pala siya ng TV host-actor, he would never see the end of her wrath. Da who ang plastic na TV host-actor? Itago na lang natin siya sa pa-ngalang Vykel M.
LUHA NG galak ang dumaloy mula sa mga mata ni Boy Abunda makaraang matagumpay na sumailalim ang kanyang butihing inang si Nanay Lising sa stem cell treatment sa Germany.
Nanay Lising is suffering from Alzheimer’s disease which is common among the old. Nang makatiyempo from all his neck-deep work, sinamantala ni Kuya Boy ang pagkakataon upang ibiyahe ang kanyang ina sa Alemanya for the said treatment. And since that part in Germany is close to France, kasama rin niyang dinala ang kanyang ina to a breathtaking Parisian tour.
Kuwento ni Lolit Solis mula sa kuwento ni Kuya Boy, under sedation daw si Nanay Lising all throughout the treatment.
At nang magising, iginala raw nito ang kanyang tingin sa paligid (the place is not actually a hospital, kundi isang bahay na may 28 na silid whose attending medical staff are all old).
Bungad daw ng nanay ng King of Talk (perhaps in their native Waray), “O, akala ko ba, Boy, sa probinsiya (Borongan, Eastern Samar) tayo nagpunta?” Du’n na raw napaiyak ang anak, gladdened by his mom’s renewed energy, patunay lang that the treatment worked.
Samantala, the place of treatment — which is an hour and a half ride away from Frankfurt — almost closed down during a previous lean period. Pero ngayong kilala na ito ay dinadagsa na ang lugar ng iba’t ibang lahi.
“’Di nga kami (Lorna Tolentino at Wilma Galvante) puwedeng mag-stay ro’n nang matagal, eh. Kasi nu’ng time namin, naghihintay sa pila ang isang Chinese at isang Thai,” kuwento ni ‘Nay Lolit whose treatment was Dra. Vicki Belo-sponsored.
IN DEFERENCE, if not reverence to Mang Dolphy ay naging “tribute variety” of sorts ang nakaraang live telecast ng Game N’ Go sa TV5.
Tinipon ang mga celebrities and their respective partners na lumahok sa Talentadong Pinoy with their production numbers pegged on giving their last respects to the Comedy King.
Pero para sa amin, the most touching of them ay ang pagpi-piano ni Arnell Ignacio, made up like a clown, as he sang Send In the Clown to the accompaniment of a violin. To complete the ensemble, there was also interpretative dancing by a pair dressed in jester.
Samantala, ang katapat naman nitong panoorin sa ibang channel (guess which), promo! How very cheap.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III