Sa muling pagkabuhay ng kanyang career
Ethel Booba, dapat pang magpasalamat kay Willie Revillame

BLIND ITEM: Is a socialite TV host revealing too much of himself in his show, particularly his sexual preferences?

Taped in—we suppose—his co-owned high-end establishment, mas angkop kung kinukunan ang bawat episode nito sa Tatalon, Quezon City. After all, the 30-minute program’s bumpers have the host and his guest/s jumping on a cushioned surface with matching naghahampasan pa ng mga unan.

Kapansin-pansin that in several episodes ay “bumibigay” na ang TV host, literally laying down his cape most specially kung ang kanyang mga male—and not so male—guests are like viands na kanin na lang ang kulang to whet one’s sexual  appetite .

In fairness though to the TV host, as decent as he is ay disente rin niyang nailulusot ang kanyang sinisikil na damdamin as regards his sexuality. Given a chance na makasalubong siya, isa lang ang sasabihin namin sa kanya that goes with our admiration for him, “T.Y. as in ‘thank you’.”

SA HALIP na umani ng simpatya ang panayam ni Gary Lising sa Startalk nitong Sabado, may halong pagkainis ang naramdaman ng isang may-edad na ring komedyante.

Sa iskrip na ibinatay sa pagsasaliksik sa background ng pamosong komedyante (of Champoy fame), naiulat na 61 years old ito, bagay na inalmahan ng kanyang kabarong tutok na tutok sa panonood ng nasabing interview ni Butch Francisco.

“Ano, sisenta’y uno lang siya?!” pangu-nguwestiyon nito. Hindi tuloy nito napigilang bumulalas ng, “Naghihirap ka na nga, sinungaling ka pa!”

Umikot kasi ang panayam sa ngayo’y lugmok na kalagayan ni Mang Gary, blame it on his health condition that depleted all of his savings. Ang noo’y high-end niyang lifestyle ay tulad na rin ng pangkaraniwang tao na nagko-commute (except riding a cab) at kumakain na lang sa turu-turo.

Again, this is a lesson for all of us, lalung-lalo na sa maraming taga-industriya na nginitian ng magandang kapalaran only to wake up to a day of nothingness. Preparedness is perhaps the key word.

MALAYO PA man ang Lenten Season observance ay nauna nang i-resurrect ang nangulimlim na career ni Ethel Booba, this via her hosting stint in Wowowillie nang magbagong-bihis ang programa, from its title to its time slot.

Prior to this big break, where was Ethel nga ba? Hindi nga ba’t ang tanging naaalala lang tungkol sa sexy comedienne na ito was her string of iiiwww! scandals not even a pokpok woman could be proud of?

Pero tulad ng isang napariwarang kaluluwa, there’s always a redemption. Mula sa mga isyung sukdulan sa katsipan, himalang nginitian ng suwerte si Ethel nang kunin ni Willie Revillame para maging isa sa mga host ng kanyang noontime program.

While there were doubting Thomases in the midst who questioned Willie’s choice para bigyan muli ng pagkakataon ang hitad, all those negative forewarnings were like pasok-dito-labas-dito kind of a dedma attitude para kay Willie.

The skeptics were right all along. Pahiya si Willie. Ang pinagkatiwalaan niyang host had proven to be a monster herself.

Kelan lang, kinuhang Gangnam guest si Ethel ng Celebrity Bluff ng GMA, with its teaser/plug obviously capitalizing on her being a “reject”. In hindsight, Ethel traces her roots to GMA. Pero sana naman, huwag kumagat ang istasyong pinagmulan ng hitad sa bitag, thus taking her back and resuscitating her TV career na nag-flat line na!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBukambibig 03-15-13
Next articleSa ex-PBB housemate na may milyong pisong utang sa kanya
RR Enriquez: ‘Di ako titigil hangga’t ‘di sila nakababayad!

No posts to display