BLIND ITEM: Dapat me magsabi sa beteranong aktor na ‘wag siyang ma-high blood kung hindi siya kinukuha for a mainstay or guesting sa isang teleserye.
Nalolokah ang production staff sa kanya, dahil porke ini-inquire lang ang kanyang availability ay inaakala na niyang siya na ang kukunin at hahatiran na siya ng script sa bahay.
Ang nakakalokah, tine-text siya kung puwede ba siyang mag-guest sa isang teleserye. ‘Pag umoo naman siya at sinabi ng talent coordinator na babalikan siya uli for reconfirmation, asang-asa na ang beteranong aktor.
Hanggang sa ite-text siya ng talent coordinator para sabihing next time na lang. Nako, ‘pag ‘yon ang mga salita, tatawag na ‘yan sa kausap at sasabihing, “Ba’t hindi ako tuloy? Porke ba wala akong ibinibigay na komisyon sa ‘yo, tatanggihan n’yo na ‘ko?
“Dapat ba, me ibi-gay ako sa ‘yo para kunin mo ‘ko?”
Na kung kilala namin ang taong kausap nito, never itong nabalitaan naming nanghuthot o nanghingi ng pera sa mga artista.
Sabi nga nito, “Ano’ng magagawa ko? Ako ba ang executive producer ng show? Napag-utusan lang naman akong magtatawag ng artista para kunin siyang guest at kung hindi puwede, me kontra abiso naman.
“Sana naman, ‘wag masakit magsalita. Tauhan lang din ako!”
Hay, nako, sana, ‘yung anak na lang nito ang mag-sorry nang mag-sorry sa talent coordinator na tinalakan ng tatay niya.
ILANG CONCERNED citizens na rin pala ang nagpayo kay Megastar Sharon Cuneta na itigil na ang pagpatol sa mga bashers at haters sa twitter, dahil ang nangyayari, lalo lang na-
nganganak sila at inookray siya.
Knowing Sharon na talagang ‘pag feeling niya ay inaapi siya at parang mali ang paratang sa kanya, ito ay kanyang sinasagot, kaya nababasa rin ng kanyang 152k twitter followers.
Kami nga ay graduate na riyan sa pagsagut-sagot sa mga okray sa twitter. Hindi na rin kami nasasaktan. Mas nasasaktan at naaapektuhan ang mga haters na ‘yan kapag napansin nilang wala nang pumapasok na message ng artistang inokray nila dahil blocked na nga sila.
Nu’ng pang-ookray sa nanay ko ng ilang fans ni Charice Pempengco, siguro, may 300 din kaming binlock at kapag merong nag-tweet sa amin na i-unblock na ‘yung kanilang kaibigan ay hindi pa rin namin ginagawa.
Baket ba? Ang katwiran namin, batas ko ang masusunod sa twitter account ko.
Kaya kung gago ka, hindi ka namin papansinin. Ikaw ang makakapansin na blocked ka na.
Kaya kay Sharon, ‘wag nang masyadong mag-emote sa twitter. Hindi lahat ng followers mo, kuha ang emosyon mo. ‘Yung iba’y puwede pang maartehan sa ‘yo.
Meron pa ngang nagpasa ng message sa amin na, “Wala na po bang ibang pinagkakaabalahan si Sharon Cuneta, kundi isa-isahing sagutin ang mga haters niya sa twitter?”
Si Sharon lang ang dapat sumagot niyan.
ANG BUONG akala ni Julia Montes ay mag-i-scriptreading lang ng Walang Hanggan sa isang tent sa taping, pero nu’ng pagbukas niya ng pinto, sina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Paulo Avelino at Melissa Ricks (kasama pala kami) ang bumulaga sa kanya habang umaawit ng, “When you were just seventeen, you know what I mean…”
Hahaha! Isang bonggang “Happy Birthday, Julia!” ang kanyang narinig with matching balloons and cake na binlow niya.
“Na-touch naman ako sa inyo! Sobrang thank you!”
17 na si Julia Montes. Ang la-king bulas na bata. At balita namin, nakabili na rin ng sariling house and lot si Julia na kanyang pangarap, at nagkaroon nga siya ng house warming kahapon.
We’re very happy for Julia. Sana lang, ‘wag siyang matulad sa ibang batang artista na nandu’n na sa peak ay doon naman nagloko o nagpabuntis.
“Hindi po. Marami pa po akong pangarap para sa pamilya ko. Kaya wala rin po akong boyfriend-boyfriend ngayon!”
Panindigan mo ‘yan, Clara, ha? Ah, este, Katerina!
Oh My G!
by Ogie Diaz