NALALAPIT NA ang pagkatatapos ng epic and campy afternoon series ng GMA-7 na “Ika-6 na Utos”. Mahigit isang taon din itong namayagpag sa ratings at sa totoo lang, sure ako na hindi inaasahan ng mga cast and crew nito na kakagatin ito ng masa at maeextend sila ng more than one year. Isang season lang kasi ang original plan ng Kapuso network para sa show. Pinullout pa nga nila si Sunshine Dizon noon sa Encantadia para lang sa programa.
Ang biggest revelation sa show ay ang kontrabidang baliw-baliwan prowess ni Ryza Cenon. Kung years ago ay sinabi ninyo sa akin na si Ryza Cenon ang itatapat sa isa pang halimaw sa aktingan na si Sunshine Dizon, sigurado ako na matatawa lang ako sabay tanong “talaga ba?”. Among all Starstruck Ultimate Female Survivors kasi (along with Jennylyn Mercado, Jackie Rice, Jewel Mische at Sarah Lahbati), parang siya ang isa sa pinag-iwanan at hindi nabibigyan ng bida roles. Lagi siyang bestfriend ng bida o ng kontrabida.
Kahit nang magpasexy siya sa isang men’s magazine at hindi umariba ang kanyang karir. May nagsasabi na she showed some skin a bit too late at nasapawan na siya ng runner-up niya sa Starstruck na si LJ Reyes.
Ngayon, Ryza Cenon’s Georgia is probably the most hated villain of 2017-2018 on TV. Sa wakas ay naipakita na ng dalaga ang kanyang kakayahan bilang isang artista. Benta sa televiewers ang mga bangayan nila ni Emma (Sunshine Dizon) na noong una’y seryoso na nauwi sa pagiging campy. Idagdag pa ang kampihan at rambulan nila with Geneva (played by Angelika dela Cruz). Okay din naman ang pagiging Rome ni Gabby Concepcion, pero mas stand out talaga ang mga babaeng bida sa programang ito.
Sa tuwing nagpopost ng Ika-6 na Utos videos sa official social media accounts ng GMA Network, ang mga fans at bashers ay panay comment ng panggigigil nila kay Georgia – na kesyo kakampi siya ni direk at may superpowers ‘ata. People love hating on Georgia, but they love Ryza.
Napansin si Ryza nang gawin niya ang QCinema indie film na “Ang Manananggal sa 23-B”. Last January lang ay nagbida siya sa sexy romance-drama film na “Mr. and Mrs. Cruz”.
Sa pagtatapos ng Ika-6 na Utos, makakapahinga na si Ryza physically and mentally dahil sure kami na nasstress siya sa mga eksena at dialogues niya. Sana ay magtuloy-tuloy ang pag-ariba ng kanyang showbiz career dahil deserve niya ‘yan. Go girl!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club