Sa National Press Club, Away o Gulo?

PARA WALANG away, mabuti pa gulo na lang! Este, para walang gulo, away na lang! Ehek!

Ano ba ‘yan, walang mapagpipilian… sige, parekoy, ganito na lang ang gagawin natin, ating alamin ang nagaganap sa National Press Club.

Akala kasi ng ibang nakababasa sa facebook ay may nagaganap na ‘di kanais-nais sa loob ng NPC. Sa totoo lang parekoy, as I see it, wala.

Ang aking “wat ay min” hehehe, walang nagaganap na away sa press club kong mahal. Dahil magkakapatid kami sa propesyon, kaya nga nagkakaisa at nagtutulungan.

Higit sa lahat, walang Countryside Development Fund/Priority Development Assistance Fund (CDF/PDAF) na pwedeng pag-awayan. Lalo namang wala itong Internal Revenue Allotment (IRA).

Isa pa, alam natin, parekoy, na kahit sa loob ng iisang tahanan ay hindi maiwasang ‘di magkaroon ng kaunting iringan.

Siyempre naman, kahit magkaka-patid ay may kanya-kanyang ugali. Pero ang tawag d’yan ay karinyo brutal. Hehehe! Hindi lehitimong away!

Dahil, at the end of the day, kapag niyurakan mo ang media… tiyak kapit bisig ang mga iyan. Para ipaglaban ang kalayaan ng pamamahayag!

Sa kabilang banda naman, may gulo nga sa NPC. Abnormal lamang ‘yan, parekoy, este, normal lamang ‘yan. Dahil magkakaroon ng election para sa iba’t ibang posisyon ng mga opisyal.

Eh, sa dami ng kandidato at botante, natural na may gulo! Pero uulitin ko parekoy, walang away!

Unawa na natin, parekoy, ang gulo na ‘yan… Aba eh, pagsamasamahin mo ba naman sa isang grupo ang sangkatutak na matatalino, (tayo lang ang dugyot) hehehe.

Pare-parehong mamamahayag na siyempre may kanya-kanyang opinyon at pananaw sa buhay at sa bawat isyung nagaganap sa kapaligiran.

Kaya sa totoo lang, maganda ang ganyan, parekoy… May gulo!

Alin, gusto ba nating tumahimik ang National Press Club? Nakakatakot, parekoy!

Aba eh, sino pa ang magmamasid? Sino pa ang tutuligsa? Sino ang kakalampag? At sino ang kakausapin? Ehek!

Kaya nga payo natin sa facebook users, cool lang kayo, dahil walang away sa NPC.

Kung gulo naman, hindi lang ‘yan ang makikita ninyo. Abangan ninyo sa Biyernes, (Mayo 4) at Linggo (Mayo 6) para mapatunayan ninyo kung ano ang sinasabi kong gulo. Araw po ‘yan ng halalan sa NPC kaya magulo ang mga kandidato… takbo rito, takbo roon.

Diskarteng umaatikabo, hahaha! Tiyak pati singit ni parekoy ay pagpapawisan!

Kung bakit naman kasi naisipan nating kumandidato bilang NPC Director. Ayun, tiyak kasali tayo sa gulo ng kampanya! Hak, hak, hak.

Ops, ops, teka lang… sandali! Ano ba? Bago nga kayo magkagulo sa pagsulat ng pangalan ng iba sa balota, eh… unahin na muna ninyong isulat… JUN BRIONES para Director! Heheheh.

Bakit? Aba naman, eh maliwanag pa sa sikat ng araw na kapag manalo si Briones, isa lang ang ibig sabihin niyan… May kakampi na kayo at may boses sa pamunuan ng NPC!

Hehehe, tenk yu!!!

 

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME 1530 kH, 6-7 ng umaga, Lunes-Biyernes. Live via streaming din sa www.dzme1530.com. Anumang reaction: [email protected]; 09098992775/ 09166951891/ 09321688734.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articlePagtatanggal sa Trabaho
Next articleRequiem for Whitney

No posts to display