NANGINGITI NA lang kami. Bigla kasi naming naalala ang hamon ni Claudine Barretto noon na meron pang video ‘yung salpukan nila ni Mon Tulfo bukod doon sa naunang video (58 seconds), kung saan nakuha ng broadcaster na Tulfo ang simpatIya ng mga tao.
Gustong palabasin ng kampo ni Claudine na hindi sila ang unang nanakit.
Heto’t exclusive pa yatang nakuha ng TV5 ang isa pang video, kung saan nag-uusap sina Raymart Santiago at Mon, pero ‘yung naka-pink na kasama ni Raymart, tinampal ang noo ni Mon. Ano’ng ibig sabihin nito? Kulang na naman ba ng video?
Ba’t hindi na lang humingi ng sorry? Mahirap ba ‘yon?
Kunsabagay, ang salitang “sorry” ang pinakamadali at pinakamahirap bigkasin.
PALAISIPAN ANG pag-alis ni Anne Curtis sa mga fans dahil hindi sinabi ng TV host-actress sa kanyang pamamaalam sa Showtime kung saan ang tu-ngo niya at isang buwan siyang mawawala.
Nilinaw rin naman niya sa kanyang twitter followers na hindi totoong may kinalaman sa hosting o pagsali sa international modelling ek-ek ‘yon.
So, puzzled nga ang mga fans niya kung ano ang sorpresang ayaw sabihin sa kanila ni Anne at ang iniwan lang niyang mensahe ay gagawin daw niya ang isang matagal na niyang pangarap at gustong ma-experience.
Hanggang sa malaman nga namin na ‘yung isang buwan na ‘yon na mawawala siya ay dahil gagawa pala siya ng isang Hollywood film na siya lang ang bukod tanging nasa cast at full-length pa ang kanyang role.
Iniskup namin ‘yon sa twitter. Sinabi pa naming bet na bet siya ng sikat na Hollywood casting director kaya napasakamay niya ang role.
Sumunod na ang pagkakadiskubre ng ibang reporter na totoo nga at ang title pa nga raw ay “Blood Ransom”.
PERO NU’NG nakarating kay Anne Curtis ang aming scoop, sinagot niya kami sa twitter ng, “Mali po kayo!”
Kaya ang ilang supporters niya sa twitter ay pinaratangan kaming sinungaling at mapag-imbento na gusto naming intindihin dahil me mga fans naman talagang kahit anong sabihin ng idol nila ay ‘yun ang kanilang pinaniniwalaan.
Nakuwestiyon tuloy kami ng ilan, kaya nag-tweet kami at tinag namin kay Anne na, “Sige, let’s just wait and see. ‘Pag mali ang source ko, magsosori ako. Pero paano kung tama?”
Magsosori kaya sa amin si Anne Curtis? Kaya niya kayang gawin ‘yon o hindi bagay sa estado niya?
SANA NGA, kung merong strict confidentiality clause sa contract between Anne and the Hollywood production, sana, hindi na lang niya sinabing mali kami.
Sana, sinabi na lang niya na sa amin sa twitter na, “Nako, how I wished! Magdilang-anghel ka sana!” para hindi naman kami nalagay sa ala-nganin.
And besides, that’s a good news! Na iniskup namin dahil alam kong pabor sa kanya.
Anyway, wait and see na lang tayo kung sino ang nagsasabi nang totoo.
Laging tatandaan na hindi lang ang mga reporter ang dapat na may pinanghahawakang credibility. Kahit ang mga artista, dapat, me credibility at ‘pag nagsinungaling sila sa public eh, meron na agad silang tatak na “echoserang frog!”
Oh My G!
by Ogie Diaz