Sa pagbalandra ng pagkalalaki sa Instagram
Jhong Hilario, inamin ang pagkakamali, humingi ng sorry!

“KUNG SINUMAN ang na-offend ko, sorry! I made an honest mistake.” Ito ang naging pahayag sa amin ni Jhong Hilario sa mga taong maaa-ring na-offend sa nailabas niyang larawan sa Instagram na agad na pinik-up ng social media tulad ng Twitter at pinag-uusapan sa ngayon.

Ang kuha ay sa loob ng comfort kung saan mukhang nag-i-spa si Jhong at isa sa mga kuha rito ay ‘di sinasadyang nakunan ang maliit na bahagi ng pagkalalaki niya. Halatang hindi sinasadya ang pagkakakuha at hindi ito napansin ng TV host/actor, kung saan agad na binura ang nasabing post pero kumalat na nga sa ibang social media.

Iwas magbigay ng komento kung saan ayon kay Jhong ay hindi siya puwedeng magsalita at mas magandang kausapin na lang ang management.

Sa kabila nito, nag-iwan naman ng mensahe si Jhong na alam niyang trabaho ito ng mga nagkakalat nito at sana maging masaya ang mga ito sa kanilang ginagawa. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Jhong sa mga co-host sa Showtime na buo ang tiwala ang suporta sa kanya. At ayon nga sa TV host, sila ang nagpapalakas ng loob niya at nakakakilala sa kanya na hindi siya ganu’ng klase ng tao.

SA NAKARAANG presscon ng senatorial candidate at dating MTRCB chairman na si Ms. Grace Poe Llamanzares para sa media, marami ang humanga nang isa-isahin nito ang mga plataporma niya, kung saan nakalinya rito ang pagpapababa ng tax na binabayaran sa mga sinehan mapa-producer man o ng mga manonood, ang panukala na magkaroon ng budget sa mga pelikula o mga programa nating lumalahok at nakikilala sa ibang bansa kung.

Personal naming kakilala si Ma’am Grace kung saan ilang beses kaming nagkausap nu’ng nakaupo pa siya as MTRCB chairman at nagkapalagayang-loob na kami. Hinahangaan namin ang sipag at dedikasyon nito sa responsiblidad na inaatang sa kanya ng gobyerno, kung saan sunud-sunod na proyekto ang nagawa ng nasabing ahensiya.

Ramdam namin lagi ang sinseridad at pagiging tuwid ng prinsipyo ni Ma’am Grace sa tuwing nagkakausap kami. Sabi nga, hindi man tunay na magkadugo ng namayapang Fernando Poe, Jr., nanalantay sa dugo ng dating MTRCB chairman ang dugo ng ama na tumulong sa mga nangangailangan at magbigay ng serbisyo sa iba.

Present sa nasabing presscon ang mga kilalang tao sa industriya tulad ni Mother Lily Monteverde na siyang nag-sponsor ng nasabing presscon, Direk Joel Lamangan, Albert Martinez, Bibeth Orteza, ang butihing ina na si Ms. Susan Roces, at iba pa.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Previous articleRosanna Roces, tinakasan ang bayarin sa inupahang private pool?!
Next articleVice Ganda, ‘di raw dyowa ang dancer ng G Force!

No posts to display