IF PLANS don’t miscarry, Kris Aquino’s return from her two-week European trip is expected within the week. Matatandaang nakalipad ang TV host-actress as originally planned nitong March 23 with her kids Joshua and Bimby makaraang bawiin ng kanyang ex-husband na si James Yap ang inihain nitong hold departure order.
Kasabay nu’n ang gag order as decided upon by the court para sa dalawang kampo pending the resolution on the TPO (Temporary Protection Order) na hiniling ni Kris laban kay James.
If it was any consolation on Kris’s part, ang nakaraang Semana Santa served as a breather from it all, away from the hounding controversy if not from the public judgment that between her and James ay mas naging kapani-paniwala ang bersiyon ng kanyang dating asawa.
Sa aming random survey na ginawa, not one—among 15 respondents that we have spoken to—believed Kris’s side of the story. Ironically, ang umano’y linyang binitiwan ni Kris kay James in private na, “Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na ang tao sa akin” hardly worked to her advantage.
What Kris apparently miscalculated ay ang pag-iyak ni James, genuinely presenting himself as a father denied of his paternal rights to his son. Even Kris’s nuances ay gayang-gaya ni James, thus bolstering the credibility of his tales of woe.
Pero mas kapana-panabik abangan ang pagbabalik ni Kris mula sa kanyang bakasyon. At isa sa mga inaabangan ng publiko ay ang kanyang binitiwang desisyon to turn away from showbiz.
Sa aminin man ni Kris o hindi, she merely acted on impulse nang sabihin niya ‘yon without due consideration to her stlll-existing contractual obligations. ‘Yun ang dahilan kung bakit tila umikot ang tumbong ng ABS-CBN, thus issuing an immediate safely worded public statement mula sa PR department ng nasabing network.
If Kris is not actually firm with her “babu, showbiz!” stand is another carnival ride na pinasasakay na naman tayo. Basang-basa (as in readable/calculable) na kasi ang career strategy ni Kris, at dahil madalas naman siyang sablay sa kanyang mga desisyon kung kaya’t basang-basa (as in wet/drenched) rin ang kanyang kredibilidad sa publiko.
NO DOUBT, isa sa mga sensitibong aktor we have around is Geoff Eigenmann. After all, Geoff inherited the thespic genes from his elders, mula sa kanyang mga lolo’t lola, mga tiyuhin at tiyahin at maging mga magulang.
Despite coming from a showbiz royalty, talent ang naging puhunan ni Geoff. Sadly, this seems not enough.
Sa huling promo rounds kasi ni Geoff para i-hype ang kinabibilangang afternoon prime sa GMA, he seems to have lost his matinee idol features. Ang inaasahan naming abs expected of a typical hunk actor ay napalitan ng flabs.
Ang inaasahan naming pangangatawang fit, naging fat bordering on near obesity.
Geoff should watch his weight. If he won’t consciously do something to keep his body in tiptop shape, mawawalan na siya ng lead actor assignments.
AT LEAST three different versions ng aabangang afternoon prime ng GMA na Kakambal ni Eliana ang umeere na ngayon, hyping the first ever lead exposure of Kim Rodriguez.
Magdadalawang taon pa lang si Kim sa GMA, kaya laking-gulat ng dalaga na pinagkatiwalaan siyang magbida in what looks like a different kind of telefantasya that deals with snakes. Para ma-overcome ni Kim ang kanyang fear of snakes ay isinabak siya sa literal na pakikipaglaro sa mga ahas.
Dagdag-advantage kay Kim ang pagkakapanalo bilang New Female Discovery sa PMPC Star Awards for Movies, a competitive edge na wala sa karamihang showbiz upstarts her age.
Sa naturang panoorin muling masusukat ang “kamandag” ni Kim, will she use her venomus fangs to fame?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III