HANGGANG NGAYON, madami pa rin pala ang nagtatangka na mapunta sa kanila ang role ni Darna na iniwanan ni Liza Soberano dahil as kanyang finger injury.
Madami ang mga nagpaparamdam. Madami ang may gusto na maging Darna. Madaming mga pangalan ang nababanggit na pati mga artista ng GMA Kapuso Network ay nakikisali sa gustong pumalit kay Liza gayong hindi nila batid or baka nakalimutan nila na ang karakter na Darna ay pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN Kapamilya Network.
Sinasabi na bagay daw kay Jennylyn Mercado, Kyline Alcantara, Nadine Lustre at marami pang iba ang role na hanggang ngayon ay hinahanap ng Star Cinema.
Kung hindi ka naman isang certified Kapamilya Star at under contract sa kanila, bakit nga naman nila ibibigay sa iyo ang role na madami ang umaasam?
Kaya tigilan na ang walang saysay na kuda at suggestions dahil the Darna character na pamalit sa iniwanan ni Liza ay magmumula lang sa kuwadra ng ABS-CBN and Star Cinema.
A couple of years ago, nagkaroon ng kasunduan ang pamilya ni Kuya Mars Ravelo at ang ABS-CBN na ang mga likhang karakter ng pamosong manunulat (like Darna, Kaptain Barbel, Lastikman, Valentina, etc.) ay exclusively na pagmamay-ari ng kompanya.
Kung tama ang alaala namin, almost 50 years yata na exclusive property ng kompanya.
Ngayon, malinaw na? Tigilan na ang ilusyon na sila ang next Darna kung wala din lang naman sila sa kuwadra ng ABS-CBN. Yong iba nga na taga-Kapamilya na at umaasa na sila ang ipapalit sa Darna movie na inayawan ni Liza gayong wala naman sila box-office appeal pero push pa rin ng push sa mga sarili.
My dear, tama na. Naisulat ko na nga a few columns ago na may daot or karma ang project. Si Regine Velasquez kaya, pwede maging Darna? Tutal,isa na siyang Kapamilya Star.
Reyted K
By RK Villacorta