NARIRINIG NA ni Lorna Tolentino ang kuwento tungkol kay Jonas Burgos.
May mga nagku-kuwento na sa simula, wala naman siya alam talaga kung sino si Jonas hangga’t magsimula siyang mag-research tungkol sa isyung pagkadukot ng mga military kay Jonas, isang aktibista at magbubukid sa may Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Ave. sa Kyusi last March 28, 2007.
Nagka-interest lalo si LT nang malaman niya ang buhay ni Jonas, lalo na ang ina nitong si Edith na siyang tumataguyod sa krusadang ilitaw ng military ang nawawalang anak.
Noong Miyerkules, first shooting day ng aktres sa may bandang Scout Area para sa pelikulang idinidirek ni Joel Lamangan. Naglaan ng sampung araw si LT para gawin ang pelikula.
I was touched by Lorna’s participation sa pelikula, lalo na nang makita ko ang litrato niya sa Facebook na hawak-hawak ang poster na mukha ni Jonas ang nakalagay with a powerful message na ILITAW SI JONAS.
Alam na ni LT na military ang dahilan sa pagdukot ni Jonas ayon sa sarili niyang research.
Bilang isang artista, isang potent na medium si LT para ipara-ting at maitawid ang mensahe sa paghahanap magpasahanggang ngayon kay Jonas.
Sa rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo nawala si Jonas at kabilang siya sa 339 biktima sa panahon ni GMA, kung saan na-nguna ang rehimeng Marcos (878 victims) na sinundan naman ng gobyerno ni Corazon Aquino with 825 victims sa dami ng mga na-ngawala at naging biktima as of June 2012 ayon sa datos ng FIND, isang samahan ng mga pamilya ng mga biktima ng pagdukot at involuntary disappearances.
Over a short phone chat, natanong namin siya kung gaano kalalim ang involvement niya sa pelikula? Artista lang nga ba siya or naniniwala rin siya sa advocacy na isinusulong ng ina ni Jonas na si Edith Burgos (misis ng dating journalist and newspaper publisher na si Sir Joe Burgos ng Malaya and We Forum during the Marcos Regime).
Pahayag ni LT: “I accepted the role dahil maganda ang istorya. Artista lang ako rito,” sabi niya. Nang mabasa niya ang script na sinulat ni Ricky Lee sa unang pagkakataon, napaluha siya. Ina rin kasi si LT tulad ni Editha.
Pero hindi pa man ganu’n kalalim ang pagkapit ni Lorna sa isyu ng mga desaparecidos meaning “disappeared ones” a Spanish & Portuguese term ng mga taong nawala, dinukot at hindi na pinalutang ng mga government military, alam ni Lorna na malaking tulong siya para ma-involve ang publiko.
With the film, may konting apprehension si Lorna: “Hindi naman siguro ako magiging biktima nila (referring to the military) dahil gagawin ko ‘yong pelikula.”
MAGANDA ANG tunong pati lyrics ng first published song ng baguhang si Michael Pangilinan.
Iba ang dating ng kan-tang ‘Bakit Ba Ikaw?’ na hindi lang love song na may kapit sa masa, pero oks na oks at p’wede ring patugtugin sa FM stations at maging background music sa mga teleserye if ever.
The lite CD produced by my friend Jobert Sucaldito ay ini-launched last Tuesday at Zirkoh kasabay ng birthday ni Jobertita.
May timplang Duncan Ramos ang first single ni Michael kung saan bahagi ang R & B singer sa album as supervising producer together with the masa appeal of Vehnee Saturno.
Last Tuesday night, Michael performed to a full house together with Carlo Aquino, Prima Diva Billy and of course Duncan Ramos.
Reyted K
By RK VillaCorta