SA PAGHARAP SA MEDIA: PAULO AVELINO, MAS OPEN NA

Paulo Avelino

TAMA ang sabi ni Eric John Salut, official publicist ng Dreamscape Entertainment na mas open na ang aktor na si Paulo Avelino sa sarili.

 
After the blog conference na naganap this afternoon sa panimula ng publicity and promotion ng bagong teleserye ng aktor na The Promise of Forever, katsikahan namin si EJ and he told us na malaki nga ang improvement ni Pau.
 
Kami man, pansin namin na mas relaxed ito. Mas makuwento. Mas madaldal compared before.
 
Medyo may katagalan din kasi ang paghihintay ng mga Paulo Avelino fans and supporters bago nag-decide ang Dreamscape na nasa takdang panahon na para ipalabas ang naturang serye na nag-taping pa ang mga artista (Paulo, Ritz Azul at Ejay Falcon) sa Eastern Europe.
 
Ang ganda ng serye based sa full trailer na napanood namin na kung tama kami ay first time nag-taping sa Europa ang TPOF (The Promise of Forever) team at tinulungan pa sila ng Philippine Embassy doon para maging mas smooth ang shooting nila.
 
Sa blogcon, Paulo told us na may ibang high siya na nakukuha sa pagmamaneho ng motorbike.
 
“I feel freedom. Alam ko na delikado sabi nila pero maingat naman ako,” sabi niya sa interview.
The Promise of Forever lead stars Paulo Avelino, Ritz Azul and Ejay Falcon
 
Sa bagong serye ng aktor, isang immortal siya na ang buhay ay tumawid sa iba’t ibang panahon.
 
Sa napanood namin na trailer, ang sexy ng very intimate love scene nila ni Ritz. Ang sexy ni Pau sa shirtless scene niya.
 
Kanina hapon before the blogcon, sa mga followers ni Pau pansin na nag-motorbike siya along EDSA on his way to his manager’s location prior to the TPOF event. Sa katunayan, sa lakas ng ulan along EDSA ay sumilong muna ito sa ilalim ng MRT na hindi naman siya nakilala ng publiko dahil sa helmet na suot niya at naka-black motoring outfit.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleHINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!
Next articleKIMXI no more? Kim Chiu at Xian Lim, in-unfollow ang isa’t isa

No posts to display