MAY MALALIM PALANG dahilan kung bakit tinutulan ni Pia Magalona na makasamang muli ng kanyang anak na si Maxene si JC Tiuseco sa noo’y pinaplanong teledrama sa GMA. There was more to Pia’s disapproval of a supposed third screen partnership between Maxene and JC bilang career move daw ng anak.
Ang totoo, ayon sa aking reliable source, hindi naging maganda ang pagtatapos ng anim na buwang real-life romantic chapter nina Max at JC. Yes, contrary to their repeated denials, Max and JC once played beautiful (?) music together, ‘yun nga kang, that music ended on a sour note.
Sa loob daw kasi ng six-month period na ‘yon, JC had cheated on Max on two occasions. Una, nu’ng hinalikan daw ni JC ang kanyang ex-girlfriend. Ikalawa, nu’ng maugnay naman si JC sa isang babae. Sa katunayan pa nga raw, nagkaroon ng pribadong pag-uusap si Max at ang isa sa dalawang babaeng nakarelasyon ng nobyo, tracing the chronology of events ng pagiging two-timer ni JC.
Hindi rin daw totoo na ang pagkalas ni JC kay Max ay bunga ng pagiging sobrang seloso nito, o ang ipinalalabas ni JC na malandi ang nobya. Eh, may dapat naman palang pagselosan si Max. And speaking of kalandian, sino ba kina JC at Max ang nangaliwa at humarot?
But all of this ay pilit na sinarili na lang daw ni Max, letting her ex-boyfriend do all the talking, or lying? So now we realize na meron naman palang pinanggagalingan ang pagiging ‘pakialamera’ ni Pia with Max’s career fabric enmeshed with romantic fuse.
NOONTIME RATINGS CLEARLY indicate na pinapanood pa rin ang Wowowee kahit wala si Willie Revillame. Surely, Willie resents this.
Sabihin nang we’re putting the cart before the horse, ang gusto naman talagang mangyari ni Willie ay maapektuhan ang ratings ng kanyang programa para ipamukha sa mga ABS-CBN executives na isa siya talagang malaking kawalan. Sige, let’s go Animal Planet further. Parang gustong pagmukhaing kuneho ni Willie ang pamunuan ng Dos as he runs around with a dangling carrot.
Puwede ring ihalintulad ang ultimatum ni Willie to a worm as a fishing bait. Ang kaso, the poor little worm caught less than what it bargained for.
As it is known now, tatlong buwan ang ibinigay na bakasyon kay Willie ng Dos, acceding to his need to rest for health reasons. In the meantime, ilang personalidad ang maghahalinhinang mag-host ng Wowowee until his eventual return.
But like the ever-changing post-summer weather, marami pa ang puwedeng mangyari between now and Willie’s scheduled comeback. Three months of hiatus, or equivalent to one season, will usher in another season. Baka “taglagas” na ang abutan ni Willie with the scattered dried leaves comparable to his career.
Huwag naman sana… huwag naman sana raw, o!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III