DUMALAW sa Pilipinas kamakailan ang dating Kapamilya sexy actress na si Bangs Garcia. Simula nang ito ay ikinasal sa kanyang non-showbiz Fil-British partner ay naging stay-at-home housewife ito at ngayo’y nag-aalaga sa dalawa nilang anak na magagandang babae.
For the first time ay nag-open up si Bangs tungkol sa depresyong at anxiety naranasan niya sa UK noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.
Sa kanyang recent guesting sa Magandang Buhay ay first time nag-open up si Bangs tungkol sa napagdaanan niyang depression as early as 2017, habang siya ay nagse-settle pa sa kanyang bagong buhay sa UK.
“Never ko pa itong naamin sa public, first time ko itong aaminin. Na-depress ako last year. Medyo na feel ko ito nu’ng first year pa lang, 2017.
“Kasi kakapanganak ko lang pero parang blues lang sa akin ‘yon. Siyempre natakpan na may bagong chapter sa buhay mo, natatakpan ‘yon ‘yung blues kasi masaya ako sa baby, masaya ako sa buhay ko, sa bagong lifestyle doon, so medyo nawala ‘yon.
“Itong pangalawa ko, doon ako tinamaan ng depression, tapos nag-pandemic pa,” lahad ng dating aktres.
Mag napagtanto rin ito. “Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga. Sabi ko nami-miss ko. I am so used to having a fast-faced life here.
“Parang everyday ang dami kong activities, in one day grabe lagare ako, parang taping, tapos may show, may show ka pa sa mall, sa probinsiya, parang kung saan-saan. Grabe workaholic talaga ako. Hindi ako sanay ng ganu’n,” pag-reminisce pa niya.
“Buti na lang somehow nakahanap ako ng outlet which is vlogging. Nagba-vlog ako tapos very understanding talaga ang asawa ko.
“So he always made sure na nakakalabas ako every weekend tapos bonding na rin with the kids. It’s a must sa amin sobrang family-oriented kami, pati ‘yung family ng husband ko family-oriented sila.
“Very close, very malambing, very expressive nag-a-I love you sila sa isa’t isa. So nakakatuwa, nakakatulong. It’s good to have a solid foundation in the UK kahit na malayo ako sa family ko,” kuwento pa niya.
Na-miss ni Bangs ang Pilipinas. “Sobrang saya dito. I find it na a little bit uptight doon. Parang mas dynamic ang Pilipinas tapos buhay na buhay, tapos mahilig tayong mag-videoke, doon hindi. Kaya nakaka-miss ang Pinoy.”
As of writing ay nakabalik na sa United Kingdom ang Birchmore family.