2019 is the year of Janine Gutierrez. Matagal-tagal na rin sa showbiz ang anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon at sa wakas ay kumikinang na nang bongga ang kanyang bituin.
Si Janine lang naman ang itinanghal na Best Actress sa katatapos lang na 2019 QCinema International Film Festival para sa pelikulang ‘Babae at Baril’ ni Rae Red. Ito ang kanyang first action role, na dream project niya rin pala. Umani ng magagandang reviews ang nasabing pelikula at may mga nagsasabi na deserve nito ang isang nationwide screening. Siguro ay oras na para seryosohin na ang magandang dalaga pagdating sa pag-arte dahil malaki talaga ang improvement niya.
This year, Janine starred in the movie Elise of Regal Entertainment kung saan nakapareha niya for the first time si Enchong Dee. Marami ang nagkagusto sa pelikula. Pagdating sa TV naman ay masasabi natin na ang Dragon Lady nila nina Tom Rodriguez, Edgar Allan Guzman at Joyce Ching ang isa sa best afternoon dramas of the year. Maganda kasi ang transition ng karakter niya bilang Celestina na inaapi-api noon at bumangon at nilamon ang mga kalaban niya with beauty, grace and class. Panalo talaga!
Ngayong taon din nagkaroon ng nationwide release ang Cinemalaya Period-Drama nila ni Benjamin Alves na Dagsin.
Magaganda ang reviews ng mga pelikulang kalahok ngayon sa QCinema. Ang kaso, this is only shown in a number of cinemas sa Kyusi at kanya-kanyang diskarte ang mga producers ng pelikula kung magkakaroon man ito ng malawakang screening or what. Sana’y makahanap sila ng maayos na distribution at sana naman ay suportahan ng GMA-7 ito.