KUNG KELAN naman live na nanood sa MGM Arena ang mga anak ni Manny Pacquiao, kasaklap namang natalo pa siya kay Timothy Bradley by split decision.
Kahit paano, may kurot sa puso ‘yon ng mga bagets, lalo na kung makikita nilang malungkot ang mukha ng tatay nila.
Pero si Manny rin naman ang makapagpapaliwanag niyan sa mga anak niya, eh. And to teach them how to accept defeat in every game.
Sa mga ganitong pagkaka-taon, dito mo maaasahan ang mga Pinoy. Ang galing ng Pinoy sa paggawa ng mga kuwentong nakakatawa para maibsan lang ang lungkot ng sambayanang Pilipino.
Nariyang ang nanonood lang na si Raymart Santiago ay sana raw, hiningan ng tulong ni Manny para umakyat agad ito sa ring at banatan si Bradley.
Pati si Claudine Barretto na nananahimik, hindi rin nakaligtas. B versus B raw sa susunod na laban. Kayang-kaya raw patumbahin ni Claude si Bradley kahit i-video pa ni Mon Tulfo.
Si Mommy D naman, nu’ng mapagtanto niyang natalo si Manny, agad itong nahimatay. Ba’t daw natalo ang anak niya? Na para sa kanya ay siyang panalo.
Kaya sana, paggising at pag-recover ni Mommy D, (I’m sure, meron), sana, me magsabi sa kanya na siya pa rin ang napakasuwerteng nanay, dahil kilalang-kilala sa buong mundo ang anak niya.
At higit sa lahat, buhay ang anak niya.
Blessed pa rin si Mommy Dionesia, kaya cheer up, Mommy!
OO, MALAKI ang epekto ng pagkatalo ni Manny sa kanyang mga kababayan. Mahirap din kasi sa iba, masyadong expectorant. Nandu’n na ‘yung alam nilang yakang-yaka ni Manny ‘yan.
Nag-expect nang too much, too much disappointment din ang naramdaman nila.
Ang pagkatalo ni Manny ay may mensaheng nais iparating sa mga Pinoy, lalo na du’n sa mga tumaya for Manny, pero natalo sa pustahan.
Na ‘wag nating iasa sa alam mong sigurado ang buhay mo. Kung hindi ka kikilos, hindi mo paghahandaan at ipagdarasal, walang kasiguruhan.
LET’S ALL move on. Tapos na ‘yan. Puwera na lang kung mag-a-agree sa rematch in November, ‘yun na lang ang
aabangan natin, dahil mas malaki ang kitaan doon ng dalawang boksingero.
“No problem!” sabi ni Manny sa rematch.
Pero siyempre, kung kami ang tatanungin, tama na ‘yan. Maglingkod na lang siya bilang congressman at ipagpatuloy niya ang kanyang pagbabalik-loob sa Diyos.
Sabi nga namin, pinangyari ni Lord na matalo si Manny, dahil baka ‘pag nagtuluy-tuloy pa ang mga fights niya, baka ikamatay niya na ito o ikalumpo o ikaduling.
Ganu’n pa man, isa nang bahagi ng kasaysayan si Manny Pacquiao. Hindi na ‘yon mabubura pa sa isip ng mga kababayan niya all over the world.
Oh My G!
by Ogie Diaz