Sa paglapastangan sa kanya ng mga anak
Rosanna Roces, kinarma lang?!

IT HARDLY takes even a little amount of Biblical knowledge para hindi natin mapagtantong mga Kristiyano na, “What you sow is what you reap.”

Simple lang ang kahulugan nito sa wikang Tagalog, kung ano ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin.

Like what appears to be an already dormant volcano, Rosanna Roces spews her emotional lava patungkol sa umano’y pagiging lapastangan ng kanyang anak na si Onyok. Caught in the middle, mas kinampihan umano ni Onyok ang kanyang nobya, dahilan para masapak niya ang kanyang ina.

Gumanti naman daw si Osang sa pamamagitan ng pagsiko sa ilong ni Onyok. This much has been reported in social media.

Ngunit nang tangkaing ipaklaripika kay Osang ang naturang insidente, she begged that the media stay away from what’s supposedly an issue between a mother and a son.

Granting na nasapak o sinapak (these conjugated verbs from the root word “sapak” assume different meanings) ni Onyok ang kanyang ina—regardless of the root cause—bore implications sa panig ng mag-ina.

Sa konteksto ng Bibliya, Onyok violated one of the Ten Commandments na, “Honor thy mother.” Kalapastanganan nga sa dilang kalapastanganan ang ginawa ni Onyok, as any child could do at the very least was to decently walk away from his parent kahit padabog.

Nakapagtataka lang kung bakit all of a sudden, nagkaroon ng “media allergy” si Osang. And why?

Hindi na bago ang pagsuway kay Osang ng kanyang mga anak. Nauna na rito si Grace who rebelled against her. If only for this pattern, Osang—in her meditative state—should reexamine kung anong uri rin ba siyang anak sa kanyang mismong ina?

Tandang-tanda ng inyong lingkod ang noo’y host pa ng Startalk na si Osang. Isa sa mga nag-rate na episode ng programa ay ang reunion with her family, her biological mother included.

Nagkataong nasa peak ng kanyang career si Osang, she had a successful crossover from acting to hosting. ‘Yun ‘yong panahong nakita’t nakapiling niyang muli ang kanyang inang nagluwal sa kanya, that supposedly  ended her grief, gripe and grievance.

Pero ang inakala naming forgiveness o pagpapatawad ni Osang sa mga pagkukulang ng kanyang ina ay isa lang palang malaking palabas. Noong time na ‘yon, Osang’s mother had to be operated on, pasensiya na, hindi na namin maalala what her mom went under the knife for.

Pero ayon kay Osang, malaki raw ang nagastos niya. Halatang nanghihinayang siya sa perang nalagas sa kanya, to think it was her mom’s life that was at stake.

Ngayon sabihin ni Osang ang tampalasang pag-uugali ni Onyok, idamay na ang dating pagrerebelde ni Grace sa kanya noon.

What she sows is what she reaps.

DAHIL SA tensiyon sa Korean Peninsula, nanganganib na maapektuhan ang mga libu-libong Pinoy na nagtatrabaho sa South Korea. Aabot umano sa 40,000 ang bilang ng mga professional at skilled worker na nakabase sa naturang bansang target muli ng North Korea.

Of the number of OFWs, meron ding nasa larangan ng entertainment. Hindi kataka-taka if there seems to have a flurry of showbiz activities happening around there. After all, ang mga Tagalized teleseryeng sinusubaybayan natin dito ay galing sa South Korea, although these materials were made years ago.

Tanong lang namin, what if the tensions becomes a full-blown war between the two countries? Anong epekto ito mayroon as far as our importation of Koreanovelas is concerned, to think that a sizeable chunk of our local TV programming consists of Tagalized Korean materials from sun up to sun down.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa isyu nila ni James Yap
Kris Aquino, ayaw nang magsalita
Next articleHindi naman matuluy-tuloy
Kris Aquino at Willie Revillame, parehas madalas magpaalam sa show!

No posts to display