PSSST! SABI ko nga ang column ko dito sa Pinoy Parazzi at mga programa ko sa radio ay may temang POLITIKA, SHOWBIZ, SCANDAL, SWARDING, TSIKA! Kaya pasabog na naman tayo ng maiskandalong tsika!
Naloka ako sa napanood ko last monday na parang ang host ay ang baklitang si Shalala sa Sharon, Kasama Mo, Kapatid na kung saan labas na naman ang uhog ni Sharon sa kaiiyak na parang nagpapaawa. Kaloka, as in parang gusto kong isara ang TV sa mga paliwanag niya tungkol doon sa last question ni Shalala sa mga basher ni Sharon sa twitter na
bakit niya pinatulan ang mga tweet sa kanya. Na talagang hindi raw niya nakayanan kasi ang anak niyang si KC Concepcion ang inuupakan, kaya talagang nasaktan daw siya nang grabe na kung saan ipaglalaban daw niya ng patayan.
Kahit naman daw sino namang ina ay maaapektuhan sa mga paninirang ibinabato sa kanyang anak. Pero kumambyo si Sharon sa dulo ng kanyang paliwanag na nandoon ang kanyang pagsisi sa pagpatol niya at pakikipagpag-away sa mga taong hindi niya kilala nang personal. Sising-sisi raw siya na pinatulan ang kampo ng fans ni Piolo Pascual.
Kung ako ang tatanungin, dahil sabi niya 35 years na raw siya sa showbiz, ako naman 45, kaya siguro may karapatan akong mag-comment sa mga kaek-ekan ni Sharon. Correct me if I’m wrong sa mga nagbabasa ng kolum ko. Bakit kailangang patulan ni Sharon ang mga taong hindi naman niya kilala? Kung sino ang inaaway niya, wala naman, at hindi naman kawalan sa kanyang buhay. Sino ba ang apektado? Panalo ang pinatulan niya at baka pinagtatawanan siya kasi pinatulan siya ng isang Megastar. Sino ba ang nagngigitngit at sino ba ang nahihirapan sa mga nangyayari lalo na ang emosyon laban sa kanino man? Sino ba ngayon ang nahihirapan sa nangyari? Ang basher o si Sharon na parang nawalan ng kapayapaan ng kalooban kundi ang mambato nang wala sa katuwiran?
Sino ba ang hindi mapakali? Kaninong panahon ba ang nasayang at sino ba ang nagpuputok ng butse? May kasabihan nga na ang galit ‘pag hindi naihanap ng katuwiran ay talagang mahihirapan kang mangatuwiran. Dapat ngang kainggitan siya, kasi ilang dekada na siyang namamayagpag, nandyan pa rin siya, masaya ang pamilya, maganda pa rin kahit mataba, may career, at higit sa lahat masalapi at asawa ng senador.
Kaya lang, doon naman sa mga taong mapanira na wala namang basehan at walang dahilan, ano kayang buhay ang mayroon sila? Sila kaya ay may kunsensiya pa? Hindi sila maligaya sa mundo kung wala silang magawang negatibo sa kapwa. Sana magsikap sila na mawala na ang mga mali nilang ginagawa sa kapwa at kulang sila ng tiwala sa sarili na ang kahulugan sa akin ay inggit. Ang mga taong may inggit sa katawan, ‘yan ang mga taong kulang sa pansin tulad nitong mga pinapatulan ni Sharon, mga walang urba-nidad.
LAST SUNDAY, pagkatapos ng program ko sa DZRH.TV, tumuloy kami ng aking anak na co-host ko, si Lady Camille, at ang magandang si Ivy Batulahar sa Music 21, kung saan ginanap ang presscon ng pelikulang Talo, Tabla, Panalo. Halos sabay kaming dumating ng director ng pelikula na si Direk Buboy Tan.
Maya-maya, dumating na si Kuya Germs. Dapat kasi 6pm ang umpisa ng presscon, kaya lang nakiusap si Kuya Germs na 5pm daw siya puwede hanggang 6pm. Kaya maaga pa, hindi mapakali si Chito Alcid. Tinawag ko rin ang producer ng pelikula na si Amy Abarquez ng Amytony Foundation. Nasa bahay pa raw sila at paalis pa lang, dahil 6pm nga ang alam nila. So, double time, follow-up din si Chito sa mga press na naimbitahan niya na agahan ang dating.
Habang wala pa ang mga kasamahan ko, nagkausap kami ni Kuya Germs tungkol doon sa naisulat ko na tatakbo siyang mayor ng Quezon City at kakalabanin si Bistek. Ngiti ang sagot niya sa akin, at hindi na raw niya kaya ang maglingkod. Kasi alam niyang tumatanda na rin siya. Pero sinabi niya na talagang marami ang nagsasabing dapat tumakbo siya.
Anyway, isa-isa nang nagdatingan ang press, dumatin na rin si Eddie Garcia. Sad to say, hindi nakarating si Boots Anson-Roa, kasi nasa ibang bansa. To cut it short, ok naman ang naging takbo ng presscon at ito nga ay magkakaroon ng grand premiere nigth sa Thursday, Nov. 15, 2012. 6pm at the AFP Theater, Camp Aquinaldo, Q.C. Trilogy po ito, bida si Kuya Germs sa Talo, si Eddie naman sa Tabla at si Boots sa Panalo. Kasama po ang inyong lingkod sa episode na Panalo.
Kaya kita-kits. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding