Sa pagsunog sa picture ni Mr. Fu Melai Cantiveros, lumabas ang kagagahan?!

NAAKSIDENTE PALA SI Enzo Pineda nang mag-jetski siya sa isang probinsiya kamakailan. Sakay ng jetski at tumilapon si Enzo. At sa sobrang lakas ng impact ay bumulusok pailalaim sa dagat ang binata.
“Tumilapon ako ng ten feet at bumulusok sa dagat na ten feet ang lalim,” tsika ni Enzo.

“Actually sa gitna na ng dagat ‘yon, eh. First thing in my mind was, “Oh, no! Ano ang mangyayari sa akin. Akala ko hindi na ako makakaahon,” kuwento ng binata.

Hindi aware ang babaeng nali-link kay Enzo na si Sarah Lahbati na naaksidente ang binata.
“Ay, naku hindi ko talaga alam,” sambit ng dalaga.

Dahil sa aksidente, pinalalahanan na lang ni Sarah na mag-ingat si Enzo lalo pa’t mahilig pala ito sa adventures.

“Next time take care, kasi hindi maiwasan ang aksidente lalo na’t maraming kung anu-anong gadgets ang nauuso ngayon,” sabi ni Sarah kay Enzo.
ANG ISANG ARTISTA dapat talaga ay may sariling pag-iisip.
Sa ginawa kasing pagsunog ni Melai Cantiveros sa larawan ni Mr. Fu sa isang comic gag sa Banana Split, tila nakalimutan niyang may masasaktan siyang tao.

Hindi niya naisip na malalagay sa alanganin ang personalidad na naging biktima ng hindi niya magandang joke.

Ang sabi diumano ni Melai, ang writer ng show daw ang dapat sisihin at hindi siya dahil ginawa lang niya ang isinasaad sa script. Ginawa niya ito nang hindi niya ginagamitan ng tamang pag-iisip.

Ang paliwanag naman ng business unit head na si Cynthia Jordan, wala silang galit kay Mr. Fu. Ang segment ay patungkol lamang sa mga overused terms na hindi na dapat pang manatili ngayong 2011 at mga tampuhan issue gaya ng naging issue kina Sarah Geronimo at Cristine Reyes, Sharon Cuneta at Aga Muhlach.

Nakasama si Mr. Fu dahil sa expression niyang “me gano’n?”.
Sabi pa ni Cynthia, wala silang galit sa mga artistang nakasama sa gag. Ibig sabihin nila, hindi personality-oriented ang joke kundi issue-oriented.

Going to Cynthia’s excuse, eh, bakit hindi sinunog ang iba pang photos ng mga artistang nasangkot din sa kontrobersiya? Bakit kay Mr. Fu lang?
Why zero in on Mr. Fu? Is it because compared to the celebrities whom they featured sa gag show na ito ay si Mr. Fu lang ang walang masyadong clout?
At bakit, hindi rin ba super sa pagka-OA ang favorite expression ni Melai na “over, over”? Bakit hindi isinama iyon sa mga dapat kalimutang expressions sa 2011.

Nakakaloka ang ginawa ng show kay Mr. Fu. Dapat mag-apologize ang show sa TV host-radio anchor dahil sa pambabastos sa kanya. In bad taste ang pagpapatawa nila. They should exercise proper discernment sa kanilang mga gags nang hindi sila nakakasakit ng kanilang kapwa.

At ikaw naman Melai, dapat nag-isip ka. Hindi ka robot para maging sunud-sunuran sa mga ipinagagawa sa iyo. Ang hirap kasi sa iyo, hindi ka thinking actress. By what you did, you simply bolstered our belief that you’re just a plain
comedienne with no mind of your own.

Ano kaya ang magiging feeling ni Melai kung photo naman niya ang sunugin on national television. Just to be even, dapat sunugin din ang photo ng komedyanteng ito para malaman niya ang naramdaman ni Mr. Fu. Only by doing this
will Melai, hopefully, that is, realize the feeling and sentiments and humiliation that Mr. Fu went through.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleKahit pagod at antok na Jillian Ward, pinipilit pagtrabahuhin ng ina?!
Next articlePia Guanio, may ipinalit na kay Bossing Vic Sotto?!

No posts to display