BREAK MUNA si Sylvia Sanchez sa kanyang trabaho sa telebisyon sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang afternoon serye sa Kapamilya Network kung saan ang panganay na anak na si Arjo Atayde ay kasama niya sa unang pagkakataon na mas mahaba-haba ang mga roles nila at karakter.
Paniwala ni Ibyang (tawag namin sa aktres) ay baka magsawa ang televiewers sa kanya.
Paniwala niya, kung palaging ganun ang role niya sa dalawang magkasunod na serye tulad ng The Greatest Love bilang si Gloria na may Alzheimer at itong magtatapos hanggang sa last Friday ng April na papatay para sa kanyang anak ay kailangan ng aktres ng break.
“I’m sure kapag mayroong isa after nito, magsasawa na ako sa trabaho at ayaw kong mangyari yun,
“Tsaka ayaw kong naka-box, gusto ko maiba naman. Gusto ko pagbalik ko iba itsura, gusto ko ibang-iba,” kuwento ng aktres sa finale presscon ng serye.
Dagdag niya: “Honestly, don’t get me wrong. Thankful ako na naging Sonia-Gloria ako, yun nga napag-usapan namin ni direk ko dito na mag offer ako ng panibagong atake,” sabi ni Ibyang.
Araw-araw siya nagta-trabaho sa dalawang magkasunod niyang drama serye. Kung minsan, kahit Sunday na family day niya ay napupunta pa sa pagte-taping.
“Napapagod ako, na drain ako, kasi everyday taping yung The Greatest Love. Tapos dito daily taping. Kailangan ko umiyak ng buong puso kasi nanay ka, so bawat eksena yung emosyon binibigay dapat buong buo,” paglalahad ng aktres.
Ikinumpara niya ang sarili sa isang mobile phone. “Parang cellphone lang, na de-drain, nag cha-charge din. Para doon sa role na i-o-offer sa akin ay magiging fair ako sa nag-offer sa akin at magagawa ko siya ng 100 percent,” sabi pa Ibyang.
Reyted K
By RK Villacorta