DOWN TO the last two episodes na lang ang romance-comedy series ng GMA News & Public Affairs na ‘Owe My Love’. Ito ay pinagbibidahan nina Benjamin Alves na gumanap na Doc Migs at Lovi Poe na minahal ng tao bilang si SenSen na naging relatable ang karakter dahil madalas itong gipit at naghahanap ng raket para masuportahan ang pamilya habang may pandemya.
Ang ‘Owe My Love’ ang isa sa mga programang may realistic na struggles ng mga normal na Pinoy na ipinalabas with a light, romcom feel. Marami ang nainspire na ipagpatuloy lang ang pagkayod at ‘lavan’ lang sa hamon ng buhay.
Matagal nang natapos ang second cycle ng lock-in taping ng programa at base sa mga vlogs ng mga cast members, everyone had a good time at naging isang pamilya na rin ang mga cast and crew ng Owe My Love.
Kahit na hindi pa napipinto ang pagwawakas ng pag-ere ng programa ay naging usap-usapan na ang paglipat umano ni Lovi Poe sa Kapamikya network.
Nag-umpisa ang mga agam-agam nang ianunsyo ng ABS-CBN na sila ang gagawa ng Philippine adapatation ng Doctor Foster ng UK na naging ‘The World of the Married’ sa South Korea. Maraming viewers ang na-highblood sa KDrama version na nagkaroon ng demand na sana’y magkaroon din ng Pinoy version kahit pa nuknukan na ng dami ng kabitserye sa bansa.
Ayon sa tsika, kay Judy Ann Santos diumano unang inalok ang coveted Doctor Foster role at si Lovi Poe raw ang original choice sa mistress role. Maganda nga sanang pagsamahin sina Juday at Lovi sa isang serye. Siguradong marami ang mag-aabang!
Ang kaso, tinanggihan ni Juda yang proyekto dahil hindi pa ito ready na mag-lock-in taping at mawalay sa kanyang pelikula. Kung hindi rin lang naman si Juday ang makakasama ni Lovi, hindi rin naman ‘yata risk worth taking ang paglipat, ‘diba?
Kung si Sunshine Dizon ay hindi na hinabol ng Kapuso network, iba ang kaso ni Lovi Poe. May counter-offer ang GMA sa kanya. Marami rin ang nagsasabi na magaan katrabaho si Lovi kaya naman mahal na mahal siya ng GMA.
Sa ngayon ay nasa Amerika pa rin si Lovi para makasama ang kanyang boyfriend at para na rin magrecord ng ilang kanta para sa kanyang upcoming album. Ano kaya ang magiging desisyon ni Lovi Poe sa kanyang pagbabalik? Lilipat ba siya, o mananatiling loyal sa kanyang home network?
Habang hinihintay natin ang sagot, panoorin muna natin ang huling linggo ng Owe My Love at baka ito na ang last Kapuso show ng magaling na aktres.