ACCORDING TO KC Concepcion, nasa withdrawal syndrome siya sa mga panahong ito. Ooops, huwag pangunahan ng nega. Ang withdrawal syndrome nito ngayon, eh, may kinalaman sa natapos nang taping nila ng kanyang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN, ang Lovers in Paris na tinampukan nila nina Piolo Pascual at Zanjoe Marudo.
Mangiyak-ngiyak nga si KC nang makausap namin ito sa Thanksgiving Party ng buong cast and crew sa Taverna 88, dahil mula sa pinakamaliit na miyembro ng crew hanggang sa mga co-stars at direktor niya, nakasanayan na ni KC ang halos araw-araw na nakakatrabaho sila.
Say namin sa dalaga, baka naman isang tao lang, in the person of Piolo ang mami-miss niya. Na hindi na nga niya ganoon kadalas na makakasama?
“Everyday naman, PJ and I talk. So, kahit na hindi muna kami magkatrabaho, we’re pretty sure na hindi naman mapuputol ang lines of communications namin.”
Eh, bakit nga raw ba up to now, wala pang umaamin sa kanila kung nasa anong level na bang talaga ang pagtitinginan nila? Nabanggit na rin kasi ni KC na ang isang hinahanap niya sa lalaki eh, ‘yung meron ding tulad ng mga pinagkakaabalahan niya, gaya ng ginagawa niya sa isang sangay ng UNICEF. Para ‘atang wala namang ganoon si Piolo?
“Uy, may foundation din si PJ, ha? Hindi nga lang ‘sing laki nu’ng UNICEF. But in his own way, he’s also been helping a lot of people sa mga pangangailangan nila.”
Eh, ayun naman pala. So, swak at pasok na nga sa banga ang lalaking ayon na rin kay KC eh, botong-boto ang side ng mga Cuneta.
Dito naman daw magpa-Pasko si KC. Pero mukhang sa abroad niya bibilhin ang gift niya for Piolo, na may kinalaman daw sa kung anumang hilig mayroon ito sa kasalukuyan na siyempre, para hindi raw maurot eh, hindi muna niya sasabihin. Sasama si KC sa pagpapatuloy ng concert series ng kanyang Mommy Sharon sa US!
But during her free time, KC gets to spend so much time pala with her sister Garie (na anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna), na twenty-one years old na ngayon kaya feel na feel ni KC ang pagiging Ate rito. Hindi pa naman daw nila nadalaw ang tahanan ng isa’t isa. And if there’s one wish na gusto ni KC na matupad, ‘yun eh, ang reunion nila ng lahat ng mga kapatid niya, from Garie to Chloe (na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia).
“Na-appreciate ko ‘yung pag-look up niya sa akin as an Ate. Ako kasi, walang Ate dahil ako ‘yung Ate. We talk about things in general naman and kung anuman ang hingin niyang advise from me.”
Isa pang wish ni KC, na mahilig sa fairies (kaya tuwang-tuwa siya ng ma-meet ang artist ng Prada na isang Chinese na gumagawa ng bagong designs nito na may fairies) eh, sa isang pantaserye naman mapasali.
So, kelan siya magtu-two-piece?
“I think, that will happen in a movie. When it’s gonna be, I don’t know yet.”
Well, ngayon pa lang eh, nakaumang na at nag-aabang na ang mga kilalang men’s magazine sa pagtu-two-piece ng dalagang ginawa na ito sa isa niyang ini-endorsong kasuotan!
The Pillar
by Pilar Mateo