Sa panahong nakaratay sa ospital si Dolphy
Willie Revillame, hindi ipinag-ingay ang pagtulong

MULA JUNE 9 hanggang malagutan ng hininga nitong July 10 ang pamamalagi ni Mang Dolphy sa ICU ng Makati Medical Center, exactly 30 days of confinement amidst every necessary medical procedure: mula sa blood transfusion, dialysis, pagkabit ng respirator, pagsasailalim sa tracheostomy at iba pa.

Rounded off, Tito Dolphy’s hospital bills had escalated to P7 million, bagay na hindi naman nakapagtataka given the reputable medical service and state-of-the-art equipment ng isa sa mga pinakamahusay — and also one of the most expensive — na pagamutan sa bansa.

Sa panahon ngayon, even a fraction of it is not a drop in the bucket. Malaking butas din sa bulsa ang anumang halagang napupunta sa pagpapaospital, na hindi natin iindahin kung ang kapalit naman nito ay tiyak na paggaling ng isang pasyente.

But in life, may mga bagay na mahirap mang ipaliwanag sa gitna ng krisis, but there will always be some solution out there in solving a mystery. Sa pagkakaospital ng Comedy King, fate had it na nakaagapay si Mr. Manny V. Pangilinan who, thank God, is one of the moving forces behind the medical institution.

Bale ba, ang huling programa sa telebisyon at huling pelikulang nilabasan ni Tito Dolphy ay nakadikit sa pusod, so to speak, ni MVP. Talk about all this “inter-planetary alignment” that had saved Tito Dolphy from his last earth-bound days to his final embrace of the immortal universe.

Habang pumapatak kumbaga ang metro sa ospital, like a calibrated taxi, lingid sa kaalaman ng marami na may pribadong transaksiyon ang namamagitan kay MVP at kay Willie Revillame. Of all Tito Dolphy’s children, ang laging nakikipag-ugnayan kay Willie ay si Sahlee Quizon. Ito ang tagapaghatid ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng Comedy King sa ospital, whether good or bad, improving or deteriorating.

With the hospital bills constantly shooting up, madaling-araw nang tawagan ni Sahlee si Willie. Nakikiusap ito through Willie na baka naman sa pakiusap din nito kay MVP ay mabigyan ng diskuwento ang kanilang pamilya.

Alas dos y medya ng umaga nang kalampagin ni Willie si MVP, earnestly asking the latter what he could do to extend help to Tito Dolphy. Pero naroon ang willingness ni Willie to shoulder half of the total hospital bills. That was over and above Willie’s previous financial assistance in terms of Tito Dolphy’s medications  that nobody ever heard of.

All this time, kung hindi mismo sa bibig ni Zsa Zsa Padilla (this writer is proud that Tito Dolphy’s widow made it public in Startalk TX sa exclusive interview ni Ricky Lo) ay hindi malalaman ng publiko that it was MVP who footed all the hospital bills. Imagine, kung pag-aari rin ng TV5 executive ang Heritage Park na pinaglagakan ng mga labi ni Tito Dolphy, nilubus-lubos na rin ni MVP ang pagtulong.

Also, sa loob ng panahong nakikipagbuno si Tito Dolphy sa tiyak nang kamatayan, there was a silent Willie Revillame who was around for his surrogate father.

All this redounds to an important message about such acts of charity and benevolence. Hindi kailangang ipagmakaingay ang mga ganitong gawain sa kapwa for all the world to witness.

Si God na ang bahala. And make it bonggang-bongga.

TUNGHAYAN ANG Face To Face episode ngayong Biyernes na pinamagatang  Monster Mommy Ng Aking Papa Bruhilda… Pakawala Ako Kaya Pilit Na Dinidispatsa! Sentimyento ito ni Cecille na hindi makasundo ang madir ng kanyang dyowang si Eddie, si Aling Editha. Wala kasing modo si Cecille, kaya nabaling tuloy ang pagmamahal ni Eddie kay Inday na inalok pa niya ng kasal.

Sa naturang episode, nag-iwan naman ang programa ng thought for the day na, “Kung gusto mo na ibang tao ay rumespeto at magmahal, ikaw muna ang unang magpakita nito sa iyong sarili.”  In short, respect is earned.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMario O’Hara Classic Films, Pararangalan sa Cinemalaya 2012!
Next articleLorna Tolentino, nawala ang iniindang sakit matapos magpa-stem cell

No posts to display