SOLIDO ANG suporta ni Mariel Rodriguez sa paninindigan ng asawang si Robin Padilla sa panawagan nitong mag-resign na sa kanyang katungkulan si Senate President Franklin Drilon.
Ito ay kasunod sa post ni Robin sa Instagram nito ng litrato ni Senator Drilon, kung saan kalahati ng katawan nito ay baboy. Ni-repost din ito ng asawang si Mariel Rodriguez sa kanya ring IG account noong araw ring ‘yun, October 1.
Sa panayam ng Aksyon ng TV5, sinabi ni Mariel na may mga tao raw na nag-react sa kanilang post. Aniya, “May ibang mga taong nagri-react na ‘It was so rude daw to post.’ Rude talaga, sabi ko, sorry for being rude, kasi rude din naman ‘yung ginagawa nila dahil nagbabayad tayo ng buwis tapos, ‘di ba nagkakalabasan na?”
Isa pang dahilan ng panggagalaiti nila ng asawa ay ang pangyayari noong nakulong si Robin at ang nakaupong Justice secretary noon ay si Drilon.
Dagdag pa niya, “You should practice what you preach. Kung ikaw nagsisentensiya ka sa mga tao na dapat pagbayaran ‘yung mga maling nagawa, dapat ikaw rin. You shouldn’t be exempted from that, ‘di ba?”
Sa ngayon daw, handa silang mag-asawa na maging spokesperson sa mga artistang galit sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Kuwento pa ni Mariel, “Marami namang who feel the same but they’re just afraid.”
Aminado rin si Mariel na kinakabahan siya dahil baka raw balikan sila ng mga binabatikos nilang pulitiko, pero tinatanggap daw nila ang naturang ‘risk’ dahil sa paninindigan. Saad niya, “Alam mo totoo kanina, noong papunta ako dito (sa Wowowillie), naisip ko na hindi kaya ako ang unang mamatay na mabaril ako ng mga nakakaaway, naisip ko talaga kanina baka mabaril ako. Naku ha, kaya medyo noong papunta ako, medyo tumingin-tingin ako sa traffic, kasi baka bigla na lang akong mamatay. So ‘yun, alam n’yo na, hindi, loko lang.”
KUNG SAAN na umabot ang alitan sa pamilya Barretto. Kaliwa’t kanang akusasyon ang ibinabato sa isa’t isa. Ano naman kaya ang nararamdaman ng mga younger Barretto sa awayang ito ng mga nakatatanda sa kanila? Isa sa mga nakausap namin ay ang panganay ni Marjorie na si Dani. Aminado siyang naiipit sila sa giriiang ito ng kanilang pamilya, pero mas pinili nilang huwag nang makisali dahil daw labas sila sa iringang ito.
Sa ngayon daw, okay na ang kanyang ina mula naman sa sariling iskandalo nito nang kumalat ang maseselang litrato nito sa internet. Aniya, “My mom is okay. We’re all okay. We’re happy, we’re okay, it’s behind us now, whatever kung anuman ‘yun.”
Paano kaya nila nalagpasan ang isyu noon ng ina? “We simply just moved on. ‘Yun lang ‘yun. Nag-move on lang kami kasi alam naman namin na everyone will go through that, may time sa life natin. And right after, we just stand up again and then move on and life goes on. ‘Yun lang ang ginawa namin.”
Ilang lingo na ang nakakaraan nang may isang basher sa Instagram na nang-bash sa account ng ina tungkol sa nakababatang kapatid nitong si Julia. Sinabi nitong si Gretchen daw ang nagpapaaral kay Julia sa isang international school. Paliwanag ni Dani, “Natawa na lang kami du’n. Sobrang natawa na lang kami du’n. Wala akong maiko-comment du’n kasi it’s really not true. Nu’ng lumabas ‘yung issue, tumawa na lang kami kasi halatang walang magawa ‘yung mga tao. Gumagawa na lang ng mga isyu.”
Sinabi rin ng basher na ito na dapat daw ay magtrabaho na lang daw si Marjorie at dapat ay hindi na raw umasa kay Gretchen. Sabi ni Dani, “Yeah, sabi ko nga ano na lang… kasi ang mommy ko, she’s is a very, very strong woman, she’d rather take all the pain kaysa kami ang masaktan, I would say it, nagiging protective talaga siya. We all know the truth kaya ‘di namin kailangang kabahan or masaktan or whatsoever kasi ewan ko, haters will be haters, nandiyan sila at hindi sila mawawala and we cannot please everyone. So, all we have to do is ignore.”
Bilang panganay na anak ni Marjorie at isa sa mga apo nina Mommy Inday at Daddy Mike Barretto, inamin ni Dani na nasasaktan daw talaga siya sa pagtakwil ng kanyang mga lolo’t lola sa mommy niya at sa iba pa nitong kapatid. Saad niya, “Siyempre nasaktan kami. Sino bang hindi masktan sa mga nangyayari, ‘di ba? Magkakapamilya kami and all throughout we’re very close siyempre. Masakit, but wala eh, our life has to go on, we cannot stop our lives because of that one pain, it may hurt but it’ll pass. For now, move on and go on with our lives. ‘Yun lang talaga.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato