Sipat-eklat: Sa pang-aapi ni Kris: Ruffa, nagkaroon ng controversial exit sa The Buzz!

SIPAT: INAAPI raw ni KRIS AQUINO si RUFFA GUTIERREZ sa THE BUZZ. Kaya pala INALIS na ni ANNABELLE RAMA ang ANAK sa SHOW.
EKLAT: Hmmm.. kung si RUFFA kaya nang APIHIN ni TETAY, pa’no na ang POBRENG PINOY?

SIPAT: MUKHANG ‘di MAGANDA ang PAGKAKAUNTOG ni KRIS, ‘no?
EKLAT: HINDI na lang siya TAKLESA… MANG-AAPI na rin?

SIPAT: Kung BAKIT naman kasi si DOC, sa SNN lang PINAGPAHINGA si TETAY, HINDI pa ISINAMA ang THE BUZZ.
EKLAT: May CONTROVERSIAL EXIT tuloy si RUFFA sa THE BUZZ.

SIPAT: Baka kaya BINABARA ni TETAY si RUFFING sa THE BUZZ…
EKLAT: FEELING niya, nasa PILIPINAS GOT TALENT pa siya!

SIPAT: Uy, may DAHILAN na uli si ANNABELLE na MAKAPAG-INGAY!
EKLAT: NADALE tuloy pati si NOYNOY!

SIPAT: Pero NAGBIRO lang naman si KRIS. NAPIKON na agad si RUFFA.
EKLAT: TRUTH HURTS…

SIPAT: NAKAKUHA tuloy agad ang KAMPO ni RUFFA ng MAGANDANG PUBLICITY sa PAGPASOK niya sa TV5.
EKLAT: Ang GALING pa ng SPOKESPERSON ni RUFFA: ang NANAY niya!

SIPAT: Sana naman HUWAG IDAMAY si NOYNOY sa KASYOWBISAN na ‘yan. HINDI naman siya MAHILIG sa SHOWBIZ.
EKLAT: ASK n’yo pa ang SANREKWANG ARTISTANG nag-ENDORSE sa kanya!

SIPAT: Siguro AGREE na si NOYNOY kay JAMBY MADRIGAL…
EKLAT: MASAKIT sa ULO ‘pag may HALONG SHOWBIZ ang pag-EENDORSO!

SIPAT: Naku, MAGKAKABATI rin ‘yang sina KRIS at RUFFA…
EKLAT: Kung TATAHIMIK na si ANNABELLE RAMA!

SIPAT: UMALMA rin si RAYMOND GUTIERREZ sa PANG-AAPI ni KRIS sa ATE RUFFA niya.
EKLAT: Can you spell: L-I-K-E-M-O-T-H-E-R-L-I-K-E-S-O-N?

SIPAT: Blind Item: SABIT sa ESTAFA CASE ang TALENT MANAGER.
EKLAT: Naku, ‘WAG nga nating ILAYO sa TOPIC ang USAPAN for TODAY!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleAngelica Panganiban, WALA SA SARILING DUMALO SA KASAL NI CAMILLE PRATS?!
Next articleToffee Calma, walang pakialam sa pagiging bading!

No posts to display