SI SAM Milby ba ang na-blind item sa isang kilalang website na isnabero sa press nang mag-show ito sa isang probinsiya kamakailan?
Pinaghintay raw nang matagal ni Sam ang mga manunulat for a simple interview. Naikumpara nga raw ang binata sa mga ibang artista na naroon na very much willing na nagpainterbyu sa mga local press.
Ang akala ng mga writer ay talagang hindi na magpapa-interbyu ang actor but they were wrong as he, to their surprise, showed up.
But to their chagrin, naloka na lang ang press when the actor left in a hush after ans-wering two questions.
Imagine, they had waited for more than an hour just to be allowed to ask two questions.
If this is really Sam Milby, where does he think will his career go after this shenanigans?
WE FEEL na dapat mag-sorry si Georgina Wilson for posting a tweetpic kung saan pinalitan niya ng mukha ni Nora Aunor ang kanyang photo.
Biglang natakot ang Georgina sa resbak sa kanya ng avid Noranians kaya dali-dali niyang tinanggal ang nasabing tweetpic. Inulan kasi siya ng batikos matapos niya iyong i-post.
Pero tila deadma lang si Georgina sa issue. Parang hindi siya na-stress.
Could it be because she did not pose it? Puwede rin namang iba ang nag-pose nito. O baka talaga lang na dineadma niya ang issue.
Georgina is a learned woman and she should be aware of what she did. We really feel na nasaktan niya ang kampo ni Ate Guy and a sincere apology would suffice.
NAAALARMA NA yata ang GMA-7 dahil hindi sila umaabante sa ratings compared sa ABS-CBN.
Marami kasing soap opera nila ang talung-talo sa ratings at hindi talaga makalaban. Until now ay hindi nila maungusan ang Walang Hanggan nina Coco Martin at Julia Montes.
Ang balita namin, itatapat ng Siyete ang book three ng isang soap nila na magtatampok kina Heart Evangelista at Bianca King.
No offense meant but we don’t think na may laban sila kay Coco. Isa pa, hindi ba itinapat na ng Siyete ang Legacy sa Walang Hanggan pero wala ring nangyari.
Out of desperation din ay tatapatan rin daw ng GMa ang Be Careful With My Heart ng Dos na ang taas-tasas ng rating.
Ang pantapat daw nila ay ang mga tween stars nila. Of course, this seems another ‘suicide’ move sa part ng GMA. For one, matagal nang namamayagpag ang Jodi Sta. Maria-Papa Chen TV starrer na click na click sa masa.
And in the ultimate show of desperation ay binibigyan na ngayon ng break ng Siyete ang lahat ng natengga nilang starlets, ke male or female. We think it’s good move na rin para malaman nila kung sino talaga ang may sustaining power at may appeal.
So far, ang soap nina Louise delos Reyes at Alden Richards pa lang ang nagpakita ng magandang ra-tings kaya naman extended ito.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas