WE HAVE TO commend Showbiz Central last Sunday for doing an investigative report on Geoff Eigenmann and Carla Abellana’s alleged kissing incident inside a dressing room. Lumabas ‘yon last week sa kolum namin dito sa Pinoy Parazzi. Sabi nga ng SC, ‘tsismis busted’. Case closed, kumbaga. Nice work, SC, really.
Agree kami sa pahayag ni Geoff na since they kiss on-screen ni Carla, bakit kailangan pang itago ‘yon? Of course, Carla denied it. Sana while on it, nilinaw na rin ng SC ang status ng relasyon ng dalawa. The closest hint we got na may ‘something special’ sa on-screen loveteam ay ‘yung sinabi ni Geoff na sweet sila ni Carla at madalas silang magkasama. Which is true and understandable naman since halos araw-araw ang taping nila ng Basahang Ginto.
Again, thank you SC, for shedding lights on the ‘tsismis’.
ANG BET NAMIN sa Pilipinas Got Talent ay si Keith Clark Delleva, the young guitar hero. At 14, bilib talaga kami sa guitar-playing prowess ni Keith. Dahil siguro nu’ng kabataan namin ay naging ‘rocker’ din kami.
Everyone can sing, or at least can carry a tune, pero hindi nang katulad ni Jovit Baldivino – ang grand winner ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent. ‘Yung piece niya na ‘Too Much Love Can Kill You’ was originally sung by Brian May ng Queen. It was a tribute song kay Freddie Mercury, ang lead vocalist ng naturang British super group, na namatay dahil sa AIDS.
‘Yung version ni Jovit was arranged a notch higher sa original version, almost making it his own. At ‘yun ang talagang isa pang nakabibilib kay Jovit. Aside sa kanyang powerful singing voice, may puso ang pag-awit ng Batangueño, na mula sa pagbebenta ng siomai ay P2-M richer na ngayon.
We always believe singing is not always about having a great voice but on how you convey the song’s emotion. Doon kami saludo kay Jovit.
WALANG SAWA ANG fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu na magpadala ng e-mails. Halos araw-araw, meron kaming natatanggap na mensahe sa mga ‘Kimeralds’. And mostly, they are not pleasant. ‘Galit’ na sila sa pamunuan ng ABS-CBN dahil pilit daw pinaglalayo ng mga ito ang paborito nilang loveteam.
Kung kani-kanino raw ipinapareha sina Gerald at Kim – at talagang hindi ‘yon nagugustuhan ng kanilang die-hard fans. Hindi nga lang namin puwedeng i-publish ang maaanghang nilang pahayag sa Kapamilya network.
May threat din ang Kimeralds na ibo-boycott daw nila ang mga shows ng ABS-CBN kung hindi pagbibigyan ang ‘simple’ raw nilang kahilingan. At ‘eto pa, may inihahanda na rin daw silang malaking rally sa harap ng ABS-CBN para maiparating ang kanilang hinaing.
Well, hintayin na lang natin kung itutuloy nga nila ‘yan.
Bore Me
by Erik Borromeo