KAWAWA naman ang mga film producers-financiers na nalalansi ng mga line producers at supervising producers na mag-invest ng kanilang mga pera para mag-produce ng pelikula.
Sampu-sampera na kasi ang mga pelikulang walwal na alam mo na isinusuong lang ng mga ganid na mga line producers sa kapahamakan at sa pagkalugi ang financiers ng pelikula gayong ang mga projects nila ay waley at walang kapupuntahan.
Sino ba ang mga bida? Mga “The Who” na pinangakuan na “I’ll Make You A Superstar” syndrome na kahit supporting roles sa mga previous nilang mga sinalihang pelikula, one of those “feelingers” lang naman sila. Bukod sa unang tingin na gandang “startlets” lang, alam mo na yun lang ang level nila kahit gumapang pa sila.
Yong may mga pangalan nga na mga bida, sumasablay pa sa box-office ang film projects nila at first day beauty lang sila at napu-pullout na, ang lakas ng loob na gawin silang bida (The Who Pogi at Ganda) ng pelikula.
“The Who” ang director? Wow! Iba ang track record. Dating cook daw or manager sa isang restaurant, dating parlorista at acting coach kuno sa mga malalayong probinsiya na sa pagsalta sa Manila ay may bitbit na mayamang negosyante at presto ay may pelikula na sila na sa simula pa lang, alam mo na hindi kikita at semplang sigurado sa takilya.
Ang ilan sa mga film project na naglipana, alam mo may ibang motibo. Kapag guwapo ang bida na ang director ay bakley at waley matinong track record, asahan mo na biktima ang kawawang binata na pinangakuan na maging the next Joshua Garcia o Alden Richards ni Direk na may picture with the sikat na artista na nilalako sa mga mang-mang na wala din mga alam.
Funny, hindi nga makalusot ang mga obra nila sa Cinemalaya, FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino o Cinema One Originals, ang taas ng pangarap ni Kuya “Direk” na hawak-hawak ng mga ”The Who” starlets ang pangarap na ipinangakong “stardom” sa mga kawawang biktima at financiers na sabi, magdo-doble o’ triple ang puhunan nila at magiging “leghit” tulad ng ni Ms. Roselle Monteverde at Mother Lily ng Regal Films; Charo Santos ng Star Cinema or Boss Vic ng Viva Films
Sa panahon na expensive manood ng sine, kung hindi rin lang naman produced ng isang matinong film outfit na pupuhunan mo na mabuo ang pelikula, or engot ka na naniniwala na you will make it at magiging tunay artista, wag na.
Pero may raket ang ilan. Sa gasgas na salitang “ Advocacy Film” ang gagawin nila para maipalabas sa mga public school students for a fee na ang obra, waley ka mapigang katinuan at positive values na “arte-artehan” lang eklat!