CONGRATS SA HERE Comes The Bride dahil tumuntong na rin sa P100 Million gross ang naturang pelikula nina Eugene Domingo at Angelica Panganiban for two weeks.
Sayang, hindi pa namin napapanood at nagkakasya na lang kami sa mga kuwento-kuwento.
Maganda raw, nakaaaliw. Hindi ka maiinip. Hindi pilit ang mga patawa. So bukod sa cast, aba’y dapat din palang batiin ang direktor nitong si Chris Martinez, huh!
MAGANDA PALA ANG kinalabasan ng meeting sa pagitan nina Willie Revillame at executives ng ABS-CBN. By September na ang balik ni Willie after 3 months na pahinga.
Actually, ‘yun ang kulang kay Willie – pahinga ng utak, kalooban at katawan para hindi lumala ang sakit niya sa puso.
Sa loob ng tatlong buwan, ano ang puwedeng mangyari sa noontime show na Wowowee? Mananatili ba ang titulo at paiba-iba ang main host?
O, papalitan muna ang titulong “Wowowee” at saka na lang ibabalik sa dati ang title pag ‘andiyan na si Willie?
Sa tatlong buwang absence ni Willie ay marami ang posibleng mangyari. Hindi man natin hawak kung ano ang mangyayari bukas, pero ang sigurado ay malaking pagbabago ang maaaring maganap.
Pupuwedeng si Willie pa rin ang hinahanap ng mga tao, pero paano kung sa loob ng tatlong buwan, eh hindi na?
‘Yan ang ating aabangan.
Pero ngayon pa lang, kung makababalik nga si Willie, dahil na rin sa meron siyang kontrata, binabati na namin siya.
Pangalawa, sana, huling “hirit” na ‘yung pinakawalan niyang salita sa ere, dahil juice ko, ang daming nakaabang na hosts sa kanyang trabaho.
Kaya sana, ‘wag na niyang sayangin ang pagkakataong muling ibibigay sa kanya.
BLIND ITEM: MERONG isang nanay ng dalawang bagets na lalaki ang nagsusumbong sa amin tungkol sa isang indie film director na nanloko sa kanila.
Hiningan siya ng P400,000 at kinuha pa ang ilang alahas niya at ang kanyang digital camera at hayun, parang bulang naglaho na ang bakla.
Ipina-blotter na niya sa pulisya at sa barangay ang indie film director na ang pangalan ay Direk Paolo Abuera.
Me pictures pa ng naturang indie film director ang isinend sa amin ng madir ng dalawang bagets na gustong mag-artista at gusto ng madir na warningan namin ang ibang “inosenteng” mabibiktima raw ng naturang direktor.
Sa ngayon ay hindi namin puwedeng husgahan ang direktor, kaya kukunin muna namin ang panig nito para naman maging parehas.
Pero kung totoo man ito, ano pang mukha ang ihaharap ni Direk Paolo Abuera sa mga tao?
Recently ay umuwi na lang ng Canada ang mag-iina at babalik na lang dito ang madir para “bigyan ng leksiyon” ang direktor.
Oh My G!
by Ogie Diaz