Sa Seryeng “The Good Son”: Jerome Ponce, hindi nagpakabog kay Joshua Garcia!

Jerome Ponce

HINDI nagpahuli si Jerome Ponce pagdating sa aktingan sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na “The Good Son”  na magsisimula nang mapanood sa darating na Lunes, Sept. 25 pagkatapos ng La Luna Sangre na pamalit sa pwesto ng serye nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na magtatapos na sa darating na Friday.

 
At last night’s advance screening ng first three episodes ng serye, hindi nagpakabog si Jerome sa pag-arte versus Joshua Garcia na itinuturing na isa sa mga bagong sibol na aktor ng kanyang panahon. Siya nga kasi ang bagong John Lloyd Cruz.
 
We witnessed those scenes na dahil tuhog ang three episodes without commercial break, masakit sa dibdib na kami man ay hindi tumayo for a “jingle break” dahil ayaw namin bitawan na halos lahat ng mga eksena ay mga highlights ng serye.
 
Magaling si Jerome sa role niya as the eldest son of Albert Martinez and Eula Valdez na lingid sa kaalaman niya ay may ibang pamilya pala ang iniidolo niyang ama.
 
Ang ganda ng eksena ng binata lalo na ang confrontation nila ni Joshua na anak naman ni Albert kay Mylene Dizon.
 
If I’m not mistaken, this is Jerome’s biggest break na siya mismo ay hindi niya inaakala na darating sa kanya ngayong 2017.
 
Not all male stars sa Star Magic na ka-liga niya ay nabibigyan ng magandang pagkakataon para patunayan na marunong sila umarte.
 
Joshua Garcia is Joshua Garcia na after making two hit movies at napatunayan ng binata na magaling ito umarte at hindi lang ang kaguwapuhan puhunan.
 
Jerome Ponce and Loisa Andalio

Next in line si Jerome na sa napanood namin, kung maaalagaan lang at mabigyan ng magagandang project, pwedeng sila ni Joshua ang  “Next Important Young Actors” ng ABS-CBN.

 
Paniwala ni Jerome na pana-panahon lang ang lahat. “May mga bagay talaga na kapag para sa’yo, para sa iyo talaga. Kung para sa akin ang role na’ to, and it would justify what I can and what I can have,” sabi niya.
 
From an insider, limang young actors pala sila ang pinagpipilian ng Dreamscape Entertainment to portray the role of Enzo.
 
Not all can be Enzo,  ‘ika nga. At sa kanilang five aspiring actors to portray the role, si Jerome ay si Enzo. Siya lang at wala nang iba.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleSue Ramirez, aminadong lumalabas sila ni Joao Constancia: “Lumalabas kami pero no pressure. Kalma lang!”
Next articlePROBLEM SOLVED: Sanya Lopez, sinuportahan si Jerico Estegan sa ‘Amalanhig’

No posts to display