NAGBABANTA ITONG si Sharon Cuneta na magpapa-presscon siya kung hindi titigil sa kanya ang mga bashers niya sa Twitter.
Ang feeling namin ay magpapa-presscon siya para once and for all ay sabihin sa publiko ang totoong dahilan sa hiwalayan nina KC Concepcion at Piolo Pascual.
Ang feeling kasi ni Sharon ay mga tagahanga ni Piolo ang nambu-bully sa kanya sa Twitter. Napuno na kasi siya nang kung anu-ano ang itawag sa kanya. At one point nga ay tinawag pa silang mag-ina na abortionists.
Mahirap patunayan kung fans nga ni Piolo ang nagtu-tweet ng negative sa Megastar. Mahirap kumuha ng pruweba. At kung fans nga ‘yon ni Piolo, walang magagawa ang aktor dahil hindi niya hawak ang mga ito sa leeg.
While we understand Sharon’s plight, dapat ay hindi na niya pinatulan ang mga walang kuwentang tweets sa kanya.
Paano ngayon kung hindi niya ituloy ang banta niyang presscon,eh, ‘di lalo lang siyang pinagtawanan ng mga bashers niya sa Twitter?
MAY MATUTUTUNAN si Sharon kay Mikael Daez when it comes to dealing with bashers on Twitter.
Since nauuso ngayon ang bashing ng mga celebrities sa social networking sites, we asked him about his opinion on the matter. Sabi niya, hindi niya papatulan ang sinumang mangba-bash sa kanya sa anumang social networking sites.
“Ang social media malaking tulong ‘yan. Pero siyempre, ang isang bagay na napakamakapangyarihan na ganoon ay puwede ring iabuso para sa masama. Nangyayari naman ‘yon. Ako, okay lang naman kung negatibo basta masabi sa maayos na paraan. Pero siyempre ‘yung mga hindi maayos na paraan ang pagsabi hindi ko na lang pinapansin. It’s either that or turuan mo. ‘Yung mga ibang tao riyan isang milyon na ‘yung followers nila so mahirap pagsabihan lahat. Ang stand ko riyan, gagamitin ko na lang ‘yung social media nang maayos,” paliwanag ng hunk actor na talent ng Mercator.
Masuwerte si Mikael dahil sunud-sunod ang projects niya sa Siyete.
After Amaya ay kasama siya sa My Beloved with Marian Rivera and Dingdong Dantes.
“Fortunate ako na nakakatrabaho ko siya kasi hindi lahat nakakatrabaho siya. Happy naman talaga ako. Ako, I feel very fortunate na nakakatrabaho ko siya kasi siya ‘yung primetime queen sa GMA. Para sa akin, I’m very happy ako na nakakatrabaho ko ‘yung ganoong mga personalidad.”
WE’VE SEEN The Hunger Games which is about a televised death game na ginawang libangan ng mga mayayaman. Contestants dito ang mga mahihirap sa iba’t ibang distrito sa futuristic na part ng USA.
Actually, younger sister ng bidang si Jennifer Lawrence ang isa sa napili bilang isa sa mga kasali sa The Hunger Games, kung saan kailangang magpatayan ang mga bagets at isa lang ang mabubuhay. Dahil bata pa ang kanyang kapatid, si Jennifer na ang nag-volunteer na sumali sa death game.
Futuristic ang movie at bongga ang mga outfits at hairdo. Sa parade pa lang ay bongga na ang mga suot ng mga bagets.
As a movie na about patayan, hindi gruesome ang mga eksena, walang talsikan ng dugo o putulan ng ulo or body parts. Ang ganda ni Jennifer kaya naman we found it believable na na-in love sa kanya ang kanyang ka-partner.
Do watch for it para malaman ninyo kung totoo ang sinasabi namin.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas