HINDI MAN ACTIVE sa pagtratrabaho si Judy Ann Santos. Super hectic naman si Ryan Agoncillo sa dami ng project. Katunayan nga, si Papa Ryan na ngayon ang bagong endorser ng “Enervon” kapalit nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ibig kayang sabihin mas effective ang TV host- actor bilang endorser kaysa sa dalawang young stars? “Kim and Gerald represent naman a younger market. Kailangan paalalahanan ang mga batang ama na kumakayod na magkakaroon na ng anak, ‘di ba? Ang importante ‘yung TF ko naibigay ko na kay kumander, bungad ni Ryan.
Kinumusta namin si Juday na nakatakdang manganak this coming October. She’s doing very well, makati pa rin ang paa. Gusto pa ring labas nang labas, kain ng kain sa labas. Everytime she’s at home, bandang hapon, naglalakad-lakad siya around the village. Dumadalaw sa taping ngayon, sa mga pictorial nakatutok. Isa siyang stage wife ngayon, masaya… Minsan late siyang nagising, kinulit ko siya kasi ang baon ko kanin lang, walang niluto ‘yung mga angels namin. Nang magising na siya, tinawagan ko, sabi ko, ‘Sweeheart, parang wala nang love…’ So, may pinuntahan siya sa Makati, ang ginawa niya nagpadala siya ng lunch sa Eat… Bulaga! Makulit lately, pareho lang kaming makulit. Medyo mabigat na nga ang tiyan niya pero active pa rin siya… Minsan daw masakit, malikot ganoon daw kapag lalaki,” kuwento niya sa amin.
Inamin ni Ryan na paminsan-minsang nagkakatampuhan din sila ni Juday, normal lang daw ‘yun sa buhay mag-asawa. “Hindi ko nga maintindihan sa aming dalawa. Nag-aaway naman kami, nag-aargumento naman kami, pagtapos n’yon tawa lang kami ng tawa.”
Masayang sinabi pa ni Ryan na suhi ang baby boy nila ni Juday, pero ngayong nagpa-ultra sound sila, okey na raw ang posisyon ng bata at bumalik na sa normal. Nasa lahi pala nila ang pagiging suhi dahil ang brother ni Ryan ay suhi ring ipinanganak.
Preparation ninyo ni Juday sa kanyang panganganak? “Well, ako trabaho, si Juday may breastfeeding classes. Si Juday nagyo-yoga tapos nagpi-pre-natal massage, parang ganoon.”
Siniguro ni Ryan na nasa tabi siya ni Juday sa araw ng panganganak nito. “Kung hindi ako himatayin! Ha! Ha! Ha! Kaya ko naman, kasi na-testing ko na, nakapanood na ako ng CS nang panganganak. Hindi naman ako hinimatay.”
Sinabi pa ni Ryan, si Juday raw mismo ang mag-aalaga ng kanilang baby ng ilang buwan without the yaya. ‘Yun ang balak niya pero kung mahihirapan siya, just ask for help. Super excited ang mga Lola. Si Mommy Carol, visits us every weekend and my Mom. Since na malapit sa amin nakatira, every other day dumadalaw at nagdadala ng pagkain sa amin si Mommy.”
Kahit super busy sa trabaho si Ryan palaging may time para sa kanyang pamilya. “Sa totoo lang, ‘yung trabaho ko hectic kasi daily, kapag wala rin lang akong taping or shooting sa gabi, I wake up 8 or 9 a.m. in the morning, normal ‘yun. Tapos gym, punta sa Eat… Bulaga! Kapag wala nang trabaho after that, nauuna pa ako minsang umuuwi sa anak ko from school, mga 4 p.m. nasa bahay na ako. Kung minsan, parang nag-overtime lang ako kapag may taping.”
Ibinahagi rin ni Ryan na malapit na raw matapos ang nursery room para sa baby nila ni Juday. “Project ni Juday ‘yun, pinabayaan ko na siya ang mag-decide, but should be completed in two weeks. Nakita ko na siya, nabakbak na ‘yung dapat ibakbak, nagawa na ‘yung dapat magawa, finishing na lang.”
For the first time ni-reveal ni Ryan ang pangalan ng magiging anak nila ni Judy Ann. My Dad’s name is Luis Vicente, my name is Christopher Lou, so nag-decide kami we want an old name na madali lang para sa bata so, Juan Luis, ang palayaw niya Lucho which translated in Spanish, Lucho means little fighter.”
Papayagan kaya ni Ryan na magbalik-showbiz si Juday after na makapanganak? “Yeah, it’s her choice, ngayon lang medyo pukpok sa trabaho, kasi Tatay na.
It’s a fullfilment lang naman as I promised couple of years back na sinabi ko naman kay Juday, if she want to stop or take a rest if she wants to. Awa naman ng Diyos, napapanatili namang normal ang buhay na si Daddy lang ang nagtatrabaho. Two years from now, or one year from now, she wants to go back to work or she decides not to go back to work? Kung ano ang gusto niya, okey lang sa akin.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield